Nangunguna si Partido Federal ng Pilipinas standard-bearer Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. sa mga isinasagawang Kalye surveys ng iba’t ibang mga vloggers.
Sa mga isinagawang Kalye Survey mula Oktubre 1 hanggang 11, mahigit 60 porsyento ng mga respondents ang nagsabing si Marcos ang iboboto nila sa halalang gaganapin sa Mayo 2022.
Bukod kay Marcos, kasama sa mga pagpipilian sina Leni Robredo, Manny Pacquiao, Panfilo Lacson, Isko Moreno, Ronald ‘Bato’ Dela Rosa at Sara Duterte.
Nasa 1,307 ng kabuuang 2,137 respondents ang pumili kay Marcos habang pumangalawa naman si Moreno na may botong 345 at pumangatlo si Robredo na may 231 na boto. Si Pacquiao ay nakakuha naman ng 125 na boto, habang si Lacson, 89, si Bato, 23 at si Sara ay nakakuha ng 17.
Para isagawa ang Kalye Surveys, ang mga blogger ay naglalakad-lakad sa iba’t ibang lugar sa Metro Manila at Calabarzon (Cavite, Laguna, Batangas, Rizal at Quezon) at kumausap ng mga taong nasa kalsada, mga bumibili at nagtitinda sa maliliit na tindahan at sa mga palengke para tanungin kung sino ang iboboto nila sa mga pangalang nasa listahan.
Ayon sa mga vloggers na kahit walang scientific methodology na ginamit sa pagsagawa ng mga naturang survey, pinapakita naman umano ng mga ito ang personal na saloobin ng mga respondents.
“Wala po tayong kinikilingan dito, wala kaming ini-endorso rito. Patas lang ito. Meron nga naiiyak na dahil gusto nila ‘yung manok nila ang lumamang. Pero neutral po tayo. Kung sino ang sabihin ng tao, ‘yun ang lalabas,” ayon sa isang vlogger.
Comments are closed.