BCDA NAG-REMIT NG P15-B

BCDA

UMABOT sa P15.455 billion ang nai-remit ng Bases Conversion and Development Authority (BCDA) sa pamahalaan sa loob lamang ng tatlong taon sa ilalim ng administrasyong Duterte.

Ayon sa BCDA, ang P15.455 billion na kanilang nai-remit sa ilalim ng kasalukuyang administrasyon ay mas mataas sa P14.464 billion na nai-remit ng ahensiya sa six-year term ng Aquino administration.

Sinabi ng BCDA na kanilang ni-remit sa National Treasury ang halagang P5.401 billion na kumakatawan sa asset disposition proceeds, dividends at guarantee fees.

Naunang idineklara ng state-owned agency ang P6.004 billion noong 2018, at P4.050 billion noong 2017.

“BCDA’s positive performance in the past three years can be attributed to the efficient governance promoted by President Duterte. Because of this, BCDA has already remitted P1 billion more than what was declared during the six years of the previous administration,” wika ni BCDA president Vince Dizon.

“Republic Act No. 7656 or the ‘Dividend Law’ requires government-owned and -controlled corporations, including BCDA, to declare and remit at least 50 percent of their annual net earnings.”

Ang Armed Forces of the Philippines (AFP), ang pinakamalaking  stakeholder ng BCDA, ay nakakuha ng lion’s share na P12.5 billion sa nakalipas na tatlong taon.

Sa kabuuang P15.455 billion, P12.5 billion ang ipinagkaloob sa modernization program ng AFP.

“This amount reflects the commitment and support of BCDA and the Duterte administration to upgrade the capabilities of the AFP,” ani Dizon.

Magmula nang likhain noong 1992, ang BCDA ay nakag-remit na ng kabuuang P62.229 billion sa National Treasury.

Comments are closed.