BEA ALONZO, 34 & PROUD

HEARTFULLY

SUPER busy si Bea Alonzo sa dami ng kanyang commitments sa showbiz, pero sa kabila nito ay open ang communication niya sa kanyang mga supporters via her vlogsite. Marami rin siyang TV commercials.

Kasama si Alden Richards ay nagpose sila for pictorial. Sexy and sporty ang datingan ng dalawa pero may nakisawsaw na basher na nagsabing: “Isn’t it too late for you to be doing this endorsement? Watching it, you’re old to be a model for this commercial. May kulubot ka na.”

Kahit nega ang komento ay sinagot ito ni Bea. “I’m 34 and I’m about to turn 35 and I’m proud of it and I take care of myself as much as I can. I exercise, I eat healthy and I think proud ako sa itsura ko at 34 years old. And kinuha ako ng certain brand that is actually very flattering for me kasi di ko naman pini­pilit sarili ko para kunin ako so I’m proud of it.”

Sa huli, may pahabol pang komento si Bea, na nagsasabing “Stop shaming people for their age. It’s 2022.” Sabi nga sa Eat Bulaga: Bawal ang judgemental!

 

AJ RAVAL AT CINDY MIRANDA, SANIB PUWERSA

DALAWA sa pinaka­sikat na sexpots ng Vivamax na sina AJ Raval at Cindy Miranda ay nagsanib puwersa para sa isang Vivamax Original series na dinerehe ni Roman Perez, Jr, ang “Iskandalo” na magsisimulang mag-stream sa April 10 at tuwing Linggo for 10 Sundays.

Paseksihan at paga­lingan sa mga eksenang maaksyon ang dalawang sexy star. Detective ang papel ni Cindy habang si AJ aman ay isang social media celebrity na bash dahil sa isang sex video na ini-upload ng isang misteryosong lalake.

“You’ll see me here in another light, dahil hindi puro paghuhubad ang ginawa ko. I’m happy sa ginawa ko sa series na ito, I play a character that really challenged me as an actress,” ang say ni Cindy.

 

KYLIE PADILLA BALIK-TELESERYE

BALIK teleserye si Kylie Padilla at siya ang title role — ang “Bolero.” Makakasama niya dito sina Rayver Cruz at Jak Ro­berto.  Balik-sigla na rin ang takbo ng kanyang buhay matapos ang kontro­bersiyal na hiwalayan nila ni Aljur Abrenica.

Maging sa socmed ay aktibo na rin si Kylie at game na game tanungin tungkol kay Aljur. Tulad na lang ng isang netizen na nagtanong kung mahal pa ba niya si Aljur. “mahal mo pa” Sinagot naman ito ni Kylie: “Baka pweding ako naman muna. Lol.”

Dahil sa tugon ni Kylie, nasundot pa ito ng         ilang katanungan.

“At what point do you realize you no longer have the same feelings with your ex? You may answer on not.”, ang follow-up na tanong ng isa pa rin netizen.

Tugon ni Kylie, “When you have real closure. A real open and honest conversation about what happened. And through you’ll find acceptance. I don’t believe you ever stop loving someone you loved before. But you understand that it is now the past and hopefully it becomes gratitude and something pleasant to remember,” aniya.