HINIRANG kamakailan ang movie at TV personality na si Bea Binene, bilang special celebrity ambassadress ng Department of Labor and Employment (DOLE), kung saan siya ay naging ganap na tagapagtaguyod ng DOLE ukol sa karapatan at kapakanan ng manggagawa.
Hinirang si Binene sa sorpresang seremonya na pinangunahan ni Labor Secretary Silvestre Bello III na ginanap sa live program ng DOLE teleradyo sa Pangasinan.
Gulat na tinanggap ng magandang aktres at TV news anchor mula kay Bello ang posisyon kung saan ang kanyang bagong tungkulin at misyon ay iniaatas lamang sa mga kuwalipikado at karapat-dapat na miyembro ng show business industry.
“This is a dream come true as I have always wanted to take on greater responsibilities and meaningful achievements especially those concerning Filipino workers,” pahayag ni Binene.
Bilang batang artista, isinusulong ni Binene ang mga usapin sa paggawa sa news and current affairs TV show, kung saan maaga niyang ipinamalas ang kanyang hangarin na tulungan ang mga manggagawa sa pamamagitan ng pamamahagi ng impormasyon sa publiko.
Sa kabila ng kanyang tagumpay sa pelikula at iba pang gawain, pinili ni Binene na gawin ang pinakagusto niya sa lahat – ang tulungan ang publiko na magkaroon ng tama at sapat na kaalaman.
‘That’s what I like best about Bea. Her passion is my passion,” wika ni Bello na namuno sa DOLE ng tanggapin ang parangal bilang Freedom of Information (FOI) Champion at Hall of Fame mula sa 2020 FOI Awards.
Nagpunta si Binene sa San Carlos at Rosales, Pangasinan upang suportahan ang implementasyon ng DOLE sa nitong Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers Program (TUPAD).
Ang TUPAD ay isang programa pang-komunidad na ang layunin ay tulungang mabigyan ng emergency employment ang mga manggagawang nawalan ng trabaho. PAUL ROLDAN
Comments are closed.