BEA BINENE NAGSASAWA NA SA KAKA-LINK SA KANYA KAY ALDEN

NAGSASAWA na yata si Bea Binene sa patuloy na pag­li-link sa kanya kay Alden Richards kaya gusto na niyang tapusin ang issue na siya raw ang talagang girlfriend ni Alden, na matagal nang ipinipilit ng mga basher nila.

“Hindi po naman talaga totoo,” sabi ni Bea minsang nakita namin sa isang coffee shop kasama si Kristoffer Martin at biniro naming ‘nasaan si Alden’.  “Ewan ko po ba bakit ipi­nipilit nila na kami ni Alden.  Baka dapat nga kay Tun-Tun (Kristoffer) nila ako i-link dahil kami ang mas madalas magkasama, si Alden hindi na namin halos nakakasama ng barkada dahil alam naman nating lahat na very busy siya talaga.

“Isa pa, focus po ako sa taping ko ngayon ng bagong untitled drama series na first time ko makakasama si Ms. Sunshine Cruz at first time naming magtatambal ni Benjamin Alves. Seryoso po ang tema ng aming soap kaya gusto ko ring maging seryoso ang trabaho ko.  Wala na po muna iyang lovelife.”

Tungkol sa isang bouquet of four red roses na natanggap niya recently, napangiti na lamang si Bea nang tanungin kung siya ba ang inspirasyon niya nga­yon.  Balita kasing may masugid siyang suitor na laging nagpapadala sa kanya ng flowers.

KATRINA HALILI SANAY NA NANG BINA-BASH

KATRINA-HALILISANAY na si Katrina Halili na ma-bash lalo na kapag masama ang character na ginagampanan niya tulad ngayon sa “The StepDaughters” na grabe ang mga pahirap na ginagawa niya kay Mayumi (Megan Young). Kaya hindi na lamang niya pinapansin ang mga basher, dahil kung minsan naman, may mga nagtu-tweet sa kanya na mahusay niyang na­gampanan ang eksena niya at naiintindihan daw nila ang role na gina­gampanan niya.

“Pero kung natutunan ko na rin silang isnabin, may mga bagay din naman na hindi ko puwedeng palampasin,” sabi ni Katrina.  “Kaya nang may basher na nag-try na huka­yin ang nakaraan ko, isang malutong na “Push mo ‘yan, samahan mo ng Bible, ha?” Nakonsensiya yata siya, hindi na siya umulit.  Pero nagpapasalamat po ako sa lahat ng mga netizen na sumusubaybay sa amin sa “The StepDaughters” dahil tumataas po ang ratings namin.”

Napapanood ang “The StepDaughters” after ng “Contessa” sa GMA 7.

Comments are closed.