CALOOCAN CITY – ARESTADO ang 33-anyos na babae matapos tangkaing suhulan ang isang pulis kapalit ng kalayaan ng kanyang live-in partner na naaresto sa buy bust operation.
Ayon kay Caloocan police chief Senior Supt. Restituto Arcanghel, nagtungo si Carol Aldas Segobia, 33, ng Brgy. 178 Camarin sa opisina ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) alas- 2 ng hapon upang bisitahin si Sigfrid Cabe.
Narekober ng mga pulis sa mga naaresto ang 17 transparent plastic sachets na naglalaman ng shabu at isang cal. 9mm pistol.
Inalok ni Segobia ang pulisya ng P20,000 kapalit ng kalayaan ni Cabe.
Sa halip na tanggapin ang pera, inaresto ng mga pulis ang babae sa kasong Article 21 of the Revised Penal Code o Attempted Corruption of Public Official. EVELYN GARCIA
Comments are closed.