TAGUIG CITY – NATAGPUAN ang bangkay ng isang hindi nakikilalang babae sa maputik na kalsada kahapon ng madaling araw sa lungsod na ito.
Ayon kay Juliet Milagrosa, lider ng Purok 10, may narinig siyang mga apat na putok ng baril dakong alas-1:30 ng madaling araw sa Barangay Western at nasundan pa ulit ito ng apat na putok ng baril.
Sinabi pa ni Milagrosa na hindi kilala ng mga residente ang biktima ngunit madalas din itong nakikita na may kasamang iba’t ibang lalaki kapag pumupunta sa kanilang lugar.
Bago nangyari ang krimen ay napag-alaman na nagtungo ang biktima sa barangay na balisa kasama ang isang lalaki noong Sabado ng gabi para magpa-blotter. MARIVIC FERNANDEZ
Comments are closed.