BEERMEN BALIK SA PORMA

Mga laro sa Miyerkoles:
(Ynares Center-Antipolo)
3 p.m. – Phoenix vs Rain or Shine
5:45 p.m. – San Miguel vs NorthPort

MAAGANG nag-init si Marcio Lassiter at nagwagi ang San Miguel Beer na wala si June Mar Fajardo sa unang pagkakataon sa PBA Commissioner’s Cup matapos ang 124-116 panalo kontra NLEX kahapon sa Mall of Asia Arena.

Naitala ni Lassiter ang 18 sa kanyang 22 points sa opening quarter, na nagbigay sa Beermen ng hanggang 15 puntos na kalamangan bago nila napigilan ang late comeback ng Road Warriors upang putulin ang two-game skid at umangat sa 2-3

Ang pagliban ni Fajardo sanhi ng throat injury ay nagresulta sa back-to-back losses ng San Miguel sa Bay Area at Converge.

Bagaman huminahon si Lassiter sa sumunod na tatlong quarters ay nag-init sina import Devon Scott at Vic Manuel.

Tumapos si Scott na may team-high 26 points bukod sa 19 rebounds, 7 assists, at 2 steals, habang mula sa benck ay kumana si Manuel ng 22 points, 3 rebounds, at 3 assists.

Nagdagdag si CJ Perez ng 16 points at 6 rebounds, habang nagposte si Jericho Cruz ng 15 points.

Hindi lang napigilan ang ambisyon ng NLEX na back-to-back wins matapos talunin ang sister team Talk ‘N Text, 110-101, kundi napanatili rin ng SMB ang kanilang dominasyon sa NLEX.

Dalawang beses lumamang ang SMB ng 15 points, 52-37 at 63-58 sa second quarter tungo sa 66-57 halftime lead sa kabila na umiskor si Earl Clark ng 23 points, na na-outscore si SMB import Devon Scott na tumapos na may 14 points lamang.

Na-outrebound ng NLEX ang SMB, 27-21, subalit mas marami ang assists ng Beermen.

CLYDE MARIANO

Iskor:
San Miguel (124) – Scott 26, Lassiter 22, Manuel 22, Perez 16, Cruz 15, Perez 14, Herndon 6, Ross 3, Enciso 0, Brondial 0.
NLEX (116) – Clark 40, Chua 23, Trollano 21, Nieto 12, Alas 10, Fonacier 3, Miranda 3, Varilla 2, Ganuelas-Rosser 2, Rosales 0.
QS: 43-35, 66-57, 95-90, 124-116.