Mga laro ngayon:
(Araneta Coliseum)
4:30 p.m. – Rain or Shine vs Meralco
6:45 p.m. – Blackwater vs Alaska
SUMANDAL ang San Miguel Beer sa mainit na opensiba sa fourth quarter upang igupo ang mortal na karibal na Talk ‘N Text, 107-96, at patatagin ang kanilang kampanya sa quarterfinals sa Governors’ Cup kahapon sa Calasiao Sports Arena.
Umangat ang Beermen sa 4-4 kartada.
Kinuha ng Beermen ang 95-90 kalamangan, sa lakas ng 10-0 run, kasama ang tres ni team captain Alex Cabagnot, at umiskor sina Arwind Santos at import Kevin Murphy para sa 101-94 bentahe tungo sa come-from-behind victory.
Napakasaklap ang pagkatalo ng Texters na dinomina ang laro sa third period at bumigay sa last quarter sa lungkot ni coach Bong Ravena na nalasap ang limang kabiguan sa siyam na laro.
Tumipa si Kevin Murphy ng 27 points, 10 rebounds at 9 assists upang tanghaling ‘best player of the game’.
Nagpakawala ang TNT ng limang tres, tatlo kay Kelly, at ang huli ay nagbigay sa Tropang Texters ng 78-70 kalamangan bago tapusin ang third period na abante sa 80-75.
Pinalobo ng TNT ang lamang sa 11 points, 86-75, sa under goal shot ni import Marcus Blakely. CLYDE MARIANO
Iskor:
San Miguel (107) – Murphy 27, Standhardinger 21, Santos 18, Lassiter 13, Ross 10, Cabagnot 6, De Ocampo 0, Heruela 0, Mamaril 0.
TNT (96) – Blakely 26, Pogoy 21, Romeo 18, Williams 11, Cruz 7, Trollano 6, Carey 4, Rosario 2, Garcia 1, Reyes 0, Paredes 0.
QS: 27-25, 50-54, 75-80, 107-96.
Comments are closed.