Mga laro ngayon:
(Ynares Center-Antipolo)
4:30 p.m. – NLEX vs Phoenix
6:45 p.m. – Meralco vs Blackwater
TULAD sa unang dalawang lopsided na panalo, inilampaso ng San Miguel Beer ang Terrafirma, 122-102, sa PBA Governors’ Cup kahapon sa Ynares Center sa Antipolo.
Sa panalo ay umangat ang Beermen sa 3-0 kartada kasalo ang NLEX sa ikalawang puwesto, sa likuran ng nangungunang Converge na may 4-0 record.
Limang manlalaro ng SMB ang tumipa ng double figures sa pangunguna ni import Cameron Clark na may 31 points, habang kumubra si CJ Perez ng 20 points at 11 rebounds, gumawa si Moala Tautuwaa ng 17 points at 8 rebounds, habang nag-ambag sina Andy Bulanadi ng 14 at Marcio Lassiter ng 12 points.
Tinalo ni Clark si Jordan Williams sa kanilang match up sa una nilang paghaharap sa PBA.
Nagbuhos si Wlliams ng 30 points at 8 rebounds subalit hindi nakakuha ng solidong suporta sa kanyang mga kasamahan maliban kay Juami Tiongson na tumapos na may 20 points.
Kinontrol ng Beermen ang laro mula umpisa at hindi pinaporma ang Dyip tungo sa walang kahirap-hirap na panalo.
Lumamang ang SMB ng 15 points, 53-38, sa likod ng 7-0 run sa pinagsanib na puwersa nina June Mar Fajardo, CJ Perez, Marcio Lassiter at import Cameron Clark.
Napanatili ng Beermen ang double digit na kalamangan tungo sa 57-44 halftime lead.
CLYDE MARIANO
Iskor:
San Miguel (122) – Clark 31, Perez 20, Tautuaa 17, Bulanadi 14, Lassiter 12, Cruz 9, Fajardo 6, Ross 6, Brondial 4, Enciso 3, Canete 0.
Terrafirma (102) – J.Williams 30, Tiongson 20, Camson 18, Cabagnot 10, Calvo 7, Gabayni 6, Ramos 4, Ferrer 3, Daquioag 2, Gomez de Liano 2, Mina 0, Cahilig 0, Alolino 0.
QS: 19-21, 57-44, 88-78, 122-102.