BENEPISYO NG HEALTH WORKERS NA NAGKA-COVID IBIGAY NA-DUTERTE

Presidential spokesperson Harry Roque

HANGGANG sa Hunyo 9 na lamang ang ibinigay na taning ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga opisyal ng gobyerno para ibigay na ang nararapat na cash assistance sa mga health worker na tinamaan ng COVID-19.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, ibinigay ng Pangulo ang deadline matapos makarating sa kanya na hindi pa naibibigay ang cash assistance sa mga biktima.

Sa ilalim ng Bayanihan to Heal as One Act, ang pamilya ng mga nasawing health worker ay dapat tumanggap ng P1 milyon habang ang mga health worker na nagkasakit ng COVID-19 ay dapat bigyan ng P100,000 cash.

Kamakailan ay may mga   senador na nagpahayag ng pagkadismaya dahil wala pang health worker na naapektuhan ng COVID-19 ang nakatanggap ng ayuda.

Sinabi naman sa Department of Health na pinoproseso na ang pamamahagi ng P1 milyon  na death benefits para sa mga nasawing health workers na nasa 32 na.

Pinasusumite na rin sa pamilya ng mga biktima ang kinakailangang  mga dokumento.

Comments are closed.