WALA nga namang duda na napakasarap ang kumain. Naiisip pa nga lang natin ang mga pagkaing gusto nating kainin, natatakam at nagugutom na tayo.
Hindi rin naman puwedeng pigilan natin ang ating sariling kumain dahil maaari tayong magkasakit.
Pero hindi rin tama na kung ano-ano na lang ang pagkaing ating lalantakan.
Kailangang maging maingat pa rin tayo sa ating mga kakainin. Siguraduhin nating healthy ang mga ito.
Maraming naidudulot na benepisyo sa katawan ang pagkain ng healthy. Gaya na lang ng mga sumusunod:
NAKAPAGPAPABABA NG TIMBANG
Sa kalakasang kumain ng marami sa atin, kadalasan ay nauuwi sa pagiging obese, katabaan o sobrang timbang.
Oo masarap ang kumain pero hindi ito nangangahulugang kakainin na lang natin ang mga pagkaing nakikita’t kitatakaman. Importante pa rin ang tamang nutrisyon.
Sa pamamagitan ng pagkain ng tama at balanse ay naiiwasan nito ang pagkakaroon ng mabigat o sobrang timbang. Kung overweight pa man din ang isang indibiduwal, kakabit kaagad nito ang iba’t ibang sakit kabilang na nga rito ang sakit sa puso.
HEART HEALTH AND STROKE PREVENTION
Sa panahon ngayon, dahil na rin siguro sa lifestyle ay marami tayong nababalitaang may problema sa puso at nai-stroke.
Iyan ang isa sa nagiging dahilan o nakukuhang sakit kung masyadong mataba ang isang tao.
Ngunit maiiwasan ang sakit sa puso at pagka-stroke sa pamamagitan ng healthy lifestyle. Halimbawa ng healthy lifestyle ay ang pagkain ng masustansiyang pagkain at pag-eehersisyo.
Kapag nawala nga naman ang trans fats ay mababawasan din ang level ng low density lipoprotein cholesterol na nagiging dahilan ng pag-increase ng heart attack at stroke.
NAKAPAGPAPA-IMPROVE NG MEMORY
Isa pa sa kagandahan ng pagkain ng masusustansiyang pagkain ay ang pagtulong sa pagpapa-improve nito sa ating memory.
Maiiwasan ang dementia at cognitive decline kung healthful ang diet.
BETTER MOOD
Sa panahon ngayon, marami ang nagsasabing nakararanas sila ng depression o sobra-sobra ang kalungkutang kanilang nadarama.
Konektado sa ating mood o nararamdaman ang pagkain o diyeta. May mga pagkaing nagpapataas ng sintomas ng depression at fatigue lalo na iyong mataas ang taglay na glycemic gaya ng soft drinks at cakes.
At kung hindi tayo nag-iingat, maaari tayong tamaan ng matinding kalungkutan at kawalan ng pag-asa. Kaya naman, mahalaga talagang nababantayan natin ang ating kinakain. Huwag lamang kabusugan ng tiyan ang ating isaisip kundi maging ang ikabubuti nito sa ating kalusugan. (photos mula sa flicker.com, shapemagazine)
Comments are closed.