BETTER DATA EXPERIENCE: I-UPGRADE NA SA 4G ANG 2G/3G SIMs

globe data experience

MILYON-milyong Filipino ang patuloy pa ring nagtitiyaga sa kanilang 2G/3G Subscriber Identification Module (SIM) cards habang ang mundong nakapalibot sa kanila ay nag-e-enjoy na sa benepisyong dala ng 4G mobile technology. Lalo ngayong nasa panahon tayo ng pandemya, malaking parte sa buhay ng bawat isa ang online learning, online job at entertainment, na siyang kulang sa mga 2G/3G user.

Napakalawak ng maaaring maihatid na serbisyo ng 4G gamit ang internet at iba pang mga mobile application. Para sa 2G/3G users, ang pag-upgrade sa 4G ay nangangahulugan din ng napakaraming serbisyo na maaaring ma-enjoy sa web at mobile apps.

Sa pamamagitan ng internet, maaari nang mapanood ng lahat ang kanilang mga paboritong pelikula at drama, makapag-shop sa online stores, makagawa ng transaksiyon sa bangko, matutong magluto, o makinig sa mga tugtugin, makipag-video chat sa inyong mga mahal sa buhay, makapag-upload ng inyong mga larawan sa social media sites, makagamit ng navigation tools, na ilan lamang sa napakarami pang maaaring ma-enjoy na mga aktibidad online.

Para masiguro na walang napag-iiwanan pagdating sa mobile technology at serbisyo nito, ipinagkakaloob ng Globe ang mas pinahusay na connectivity at data experience sa kanilang mga kostumer sa pamamagitan ng pag-upgrade sa 4G ng libre.

“There are a lot of things you can do with your phone other than call, text, and take pictures. We want all our customers to experience the wonders of data connectivity so they too can learn, get entertained, socialize, shop, or even work within the confines of their own homes. They can only do that with 4G and other more advanced mobile technologies,” ani Ernest Cu, Globe president and CEO.

Upang malaman kung ang SIM card ay 4G-capable, kinakailangan lamang ng mga Globe postpaid at prepaid customers na i-text ang SIM CHECK sa 8080. Para sa mga gumagamit pa rin ng 2G/3G SIM maaaring dalhin ang inyong SIM sa pinakamalapit na Globe stores para makapag-upgrade sa 4G SIM ng libre. Maaari ring mag-request ang Postpaid Mobile customers na palitan ang kanilang SIM sa pamamagitan ng GlobeOne App.

Para sa mga customer na gustong mag-upgrade sa 4G smartphones, mayroong iba’t ibang brands at models na talaga namang abot-kaya sa shop.globe.com.ph, at sa iba pang online at physical stores. Maaaring mabili ang 4G devices bilang prepaid kits, freebie sa bagong postpaid lines, o sa postpaid plan renewal.

Ang 2G o second generation mobile network na lumabas noong 1991 ay gumagamit ng digital radio signals para sa mas ligtas at maaasahang komunikasyon na ginagamit sa call at text. Matapos ang isang dekada, ipinakilala ang 3G na siyang naghatid ng malaking oportunidad sa basic mobile internet access. Ngunit ang dalawang teknolohiyang ito ay nalalapit na sa pagkawala dahil marami nang telecom companies sa ibang bansa ang inihinto na ang pagbibigay ng 2G/3G services, samantalang ang iba pa ay nasa kapareho na ring proseso.

Patuloy na ina-upgrade at pinalalawak ng Globe ang serbisyo nito bilang tugon sa lumalaking pangangailangan sa mas pinahusay na data connectivity sa iba’t ibang lugar sa bansa. Layon din ng kompanya na masuportahan ang 10 sa United Nations Sustainable Development Goals, tulad ng UNSDG No. 9 sa pagtatayo ng resilient infrastructure, pagpo-promote ng sustainable industrialization at pagsuporta sa inobasyon.

Para sa iba pang impormasyon tungkol sa Globe, bisitahin ang www.globe.com.ph.

Comments are closed.