NAG-CHAMPION ang San Juan Knights laban sa Davao Occidental kamakailan. Umabot pa sa Davao ang laro para doon sungkitin ng mga player ni coach Randy Alcantara ang kampeonato. Tulad ng pangako ni MPBL founder Senator Manny Pacquiao, bukod sa trophy ay nagbigay siya ng CHAMPION RINGS. Pagkatapos makuha ang champion trophy, nagkaroon ng awarding para maipamahagi ang mga singsing sa mga player, gayundin sa coaching staff. Bago ipinamigay ang singsing ay inanunsiyo ni Dianne Castileljos na 25 singsing ang iuuwi ng San Juan.
Tinawag isa-isa ang mga player, gayundin sina coach Randy Alcantara at asst. coach Yong Garcia. Ang nakapagtataka ay hindi tinawag si asst. coach Gherome Ejercito. May 23 singsing lang ang naipamahagi. Tsika naming, kasama dapat na bibigyan ng sing-sing ang team governor. Hanggang matapos ay ‘di na naibigay o naiabot man lang ang dalawang kulang na champion rings sa dapat pagbigyan. Ang malaking katanungan ay nasaan ang dalawang singsing na hindi naibigay? Of all people ay si coach Ejercito pa ang hindi nakatanggap ng champion rings.
Tsika pa namin, pina-review ang awarding sa parteng sinabi ng host na 25 pirasong champion rings ang ibibigay sa San Juan Knights. Bakit 23 piraso lang ang naibigay sa kanila? Saan napunta ang dalawang singsing? Kaninong mabubuting kamay napunta ang mga singsing na nagkakahalaga ng P100K bawat isa? Alam ba ito ni SEN. PACQUIAO? At ano rin ang masasabi ni MPBL Commissioner Kenneth Duremdes dito? SAAN? SAAN NAPUNTA ang DALAWANG CHAMPION RINGS?
Marami ang nalungkot sa pagkatalo ng Rain or Shine sa Magnolia. Panalo na sana pero nasilat pa sila sa overtime. Si James Yap ang huling tumira para maipanalo ang team, subalit hindi ito pumasok kaya nagkaroon ng overtime. At muli ay si Yap ang tumira para manalo, ngunit sa ginawa nitong lay up, nasupalpal siya na hindi tinawagan ng foul. Humihingi ng foul si James pero sinabi ng referee na walang foul. Laglag-balikat ang mga player ni coach Caloy Garcia dahil sa nangyari. Sayang ang 16 points lead ng ROS sa first at 2nd quarters na hanggang sa ilang minutong natitirang oras ay lamang pa rin sila. Marahil ay hindi para sa Elasto Painters ang isang silya sa finals ng PBA Philippine Cup. Nakita namin si RoS Gov. Atty. MAamerto Mondragon pagkatapos ng laro at lungkot na lungkot ang mukha niya. Bawi kayo sa next conference. Naipakita naman ng RoS team ang kanilang kalakasan nang muling tumuntong sa semis
PAHABOL: Nagpapasalamat kami sa mga taga- Lingayen, Pangasinan sa mainit na pagtanggap sa grupo ng LAKBAY PINAS, NET25 with host Ms. Chit Luna. Sa Starmonica resort sa Quibaol, Lingayen, kina Bro. Jexter Ledesma, Papas Dong Rest., Mr. Noel Fajardo, Our Farm, Ms. Leah Santiago, Ms. Maria Luisa A Elduayan, at Gov. Amado I. Espino III, gayundin sa masipag na Adminstrative A ng Lingayen, si Mr. Kenneth Soriano, sa paggabay sa amin. Salamat po!
Comments are closed.