KINUHA ng Magnolia ang isang defense-oriented player bilang import para sa PBA Commissioner’s Cup na lalarga sa mid-October.
Ayon kay Hotshots coach Chito Victolero, pumirma na ng kontrata si dating Colorado Buffaloes standout Tyler Bey at nakatakdang dumating sa bansa sa ikalawang linggo ng Setyembre.
“Bagay siya sa amin, athletic at bata,” sabi ni Victolero patungkol kay 25-year-old Bey, napiling 36th overall sa 2020 NBA draft at sandaling naglaro para sa Dallas Mavericks.
“He can also play either shooting guard or small forward and he has an inside-outside game,” dagdag ni Victolero.
Ang defensive prowess ni Bey ang nag-udyok kay Victolero, sa kanyang staff at sa Magnolia management para kunin ang Las Vegas native.
“Naging Defensive Player of the Year siya sa Pac-12 (in the US NCAA) so tingin namin babagay siya talaga sa sistema namin,” ayon pa kay Victolero.
-CLYDE MARIANO