‘BEYOND CANVAS’

MANG BEN

ANG ‘Beyond Canvas’ ay isang pagkakataon para makatulong. Sama-sama, tayo ay makapagbibigay ng saya sa mga tao at komunidad na higit na nangangailangan ng pagkalinga at suporta. Ito ang ‘Story of Us’ bilang isang komunidad na hawak kamay ang isa’t isa at tulong-tulong na inaangat ang bawat isa. Sa likod ng bawat likhang sining ay isang kuwento ng kabutihan ng ating puso na itinanim sa atin ng Diyos. Ang mga obra ay nagpapatunay kung gaano dapat tayo humayo at hindi lamang larawan na nakikita. Ito ay mga patotoo ng katapatan ng Diyos sa buhay natin at kung paano natin ginagamit ang mga pagpapala upang abutin at pagpalain din ang iba.

Maging kabahagi sa paglalakbay na ito! Suportahan ang Art Exhibit For a Cause sa Marso 6-12 sa Brewing Point Congressional Ave. Lawakan ang ating teritoryo, lisanin ang ating nakasanayang luho, at mapagtanto ang dakilang mga bagay.

The Cover: “Hag-daanan”

Ang pamagat ng exhibit ay “Hag-daanan” na pinagsamang salita ng hagdanan at daanan. Ito ay simpleng kagamitan hindi lamang upang matulungan ang tao na umakyat at abutin ang mga bagay kundi para gabayan patungo sa “Daan”. Tayo ay may mga pangarap na gustong abutin at mga layunin na gustong marating kaya kailangan ng tamang paraan para makamtan ito. Sa tulong ng Diyos, maitataas at magkakaroon ng kakayanan at kalakasan para marating ang dulo. Ang Diyos ang daan para magkaron ng tamang pan-ingin sa sarili at Siya ang tamang daan para mapagtanto ito.

About the Artist: “Mang Ben”

Natuklasan ni Benjamin “Mang Ben” Ganapin, Jr. ang kanyang kakayanan sa sining noong siya ay nasa high school. Noong siya ay napunta sa Saipan bilang isang misyonaryong accountant ng isang eskuwelahan, higit nyang nabigyan ng attention ang pagpapalawig ng kanyang kaalaman nang makasama siya sa taunang event na Flame Tree Festival noong 2006. Sa 33 paintings na kanyang ipinakita, 29 doon ay nabili at ang kinitang pera nito ay ibinigay naman niya sa isang maliit na organisasyon dito sa Filipinas. Iyon ay pasimula ng marami pang exhibitions na sinalihan niya sa Saipan.

Nang magsimula ang quarantine noong 2020, nagkaroon ng saganang panahon si Mang Ben upang makapagpintang muli ng magaganda at makahulugang mga obra. Dahil sa pagnanais namakalikom ng pondo para sa BVG Foundation, nabuo ang unang solo exhibit niya na pinamagatang “Doble” noong Nobyembre 2020 kung saan 61 sa 71 paintings niya ay nabenta. May ‘Devotional Book’ din na kasabay na nailunsad, kung saan ito ang nagtuturo ng pagpapahalaga sa pamilya na isinulat ng ilang contributors at ang mga obra ni Mang Ben ang ginamit na ‘illustrations’ nito. Nagamit ang obra at libro para matulungan ang BVG Foundation na ipagpatuloy at maisakatuparan nito ang misyon na tumulong.

Nagustuhan niya ang pagiging mas makahulugan sa pamamagitan ng mga pag-rendition ng mga kulay, pagkakayari o texture at pagsubok ng iba’t ibang estilo at strokes sa kanyang mga likhang sining. Ang lagda na ‘Mang Ben’ ay nagsimula noong siya ay nasa kolehiyo nang maisip niya na lahat ng kanyang obra ay tatandang kasabay niya at siya ay tatawagin din balang araw na Mang Ben kaya ang kanyang mga gawa ay may kaugnayan pa rin sa kanyang pagtanda. Ang kanyang inspirasyon ay galing sa kanyang daily devotion, sa pag-aaral ng Salita ng Diyos, pag-ibig sa pamilya, pakikipag-ugnayan sa mga tao, at sa pagpapalago ng pagkamalikhaing kakayanan na ibinigay ng Diyos.

Si Benjamin ay isang CPA at may doctorate degree sa Business Administration. Kasalukuyan, siya ay isang propesor sa Business at CPA Review Center. Siya rin ang nagmamamay-ari ng BVG Accounting and Business Consultancy at presidente ng BVG Foundation Inc. Ang kanyang asawa ay si Kate at may isa silang anak na lalaki na si Jamin.

About the Foundation: “BVG Foundation Inc.”

Ang BVG Foundation Inc. ay SEC registered na may layunin na tumulong sa maliliit na organisasyon at simbahan sa iba’t  ibang kaparaanan tulad ng pagbibigay ng training, seminar at resources para gabayan ang mga tagapanguna ng komunidad. Sila ay aktibong tumutulong sa pagbibigay ng ayuda sa komunidad noong panahon ng extreme quarantine at isinagawa ang libreng webinar patungkol sa business, at nagampanan ito dahil sa mga individual at company donor. Sa kasalukuyan, ang BVG Foundation ay aktibong tumutulong sa ilang komunidad ng Rizal, Bataan, Pangasinan, Cagayan at malalayong lugar ng mga katutubong Aeta saTarlac at Angeles.

Kami ay naghahanap ng suporta. Maaari kayong tumulong sa pamamagitan ng: Financial Support (donation). You may deposit your donation to Security Bank, Checking Account No. 0000021629023 (kindly send us your deposit slip). For checks, kindly make them payable to: BVG Foundation Inc.

Volunteerism (service), please indicate your activity of interest: (Ex. Community, children, kabuhayan, youth development, etc.) We appreciate your kindness and big heart. Please give us a call at 63-917-8521797 to know more about the foundation and its goals. Ika nga ni Mang Ben, “Tumulong tayo sa lahat ng pagkakataong kaya natin at samantalahing maging daluyan ng pagpapala. Ang Diyos ang nagbibigay ng pagkakataon at gagawin ka Niyang may kakayanang makatulong.” Kaya sa mga panahon ng mga kagipitan o kaginhawaan, nawa ay maipakita natin ang busilak nating kalooban at tumugon sa pangan-gailangan ng iba. Kasama sa exhibit na ito ang mga obra na donasyon ni Samuel Fuentes bilang tugon sa tawag ng pangan-gailangan ng mission. Si Samuel Fuentes ay tinuturing na isa sa naging guro ni Mang Ben sa larangan ng sining. Binabati na rin po natin si Mang Ben dahil ngayon po ang kanyang kaarawan. Maligayang kaarawan Ben o Doc Benjie!

2 thoughts on “‘BEYOND CANVAS’”

Comments are closed.