BI EMPLOYEE SA NAIA ISINAILALIM SA RAT

RAT

KALAHATI sa tauhan ng Bureau of Immigration (BI) ang nag-negatibo sa COVID-19 testing na isinagawa ng BI Medical Doctor sa kanilang personnel sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA), ayon kay Immigration commissioner Jaime Morente.

Ito ay batay sa resulta sa Rapid Anti-body Test (RAT) ng BI frontline personnel,na pinangunahan ni Dr. Marites Ambray BI Medical Section Chief,katulong ang iba pang BI medical personnel.

Ayon kay Ambray una sumalang sa rapid test ay ang 206 immigration officers sa NAIA terminal 3, kasunod ang 150 sa BI main office, at maging ang mga naka-assignsa iba’t ibang airport at seaport sa bansa.

Ito ay alinsunod sa kautusan ni Morente na unahin ang kanilang mga BI frontline personnel na tinatawag na nasa high risk group, kasama ang mga senior citizens,na aniya vulnerable sa COVID-19. FROI MORALLOS

Comments are closed.