BI LIGTAS COVID-19 CENTER SA MUNTINLUPA BINUKSAN

Immigration

BINUKSAN ng Bureau of Immigration (BI) ang ‘BI Ligtas Covid-19 Center’ sa loob ng New Bilibid Prison sa Muntinlupa City upang maiwasan ang hawaan sa pagitan ng mga dayuhan na positibo sa COVID-19.

Ayon kay BI Warden Facility (BIWF) Chief Remiecar Caguiron, ang pasilidad na ito ang  magsisilbing quarantine ward sa mga dayuhan na positibo sa COVID-19 o para sa aliens deprived of liberty (PDLs) na may  mild to moderate symptoms.

Ani Caguiron, naisakatuparan ang proyektong ito sa tulong ng International Committee ng Red Cross (ICRC), Department of Justice at ng Bureau of Corrections.

Dagdag pa niya, noong hindi pa bukas ang New Bilibid Ligtas Covid Center sa Muntinlupa,  kadalasan sa kanilang mga pasyente ay ipinadadala sa pasilidad ng mga provincial hospital sa iba’t ibang lugar sa Metro Manila.

Nabatid na ang BI Ligtas Covid-19 center ay makaka-accomodate ng hindi kukulangin sa  60  katao at inaasahan na mababawasan ang risk na kinakaharap ng kanilang mga tauhan sa BI detention center sa Taguig City dahil dito.

Sa kasalukuyan ay umaabot sa 315 ang bilang ng mga illegal alien na  nakakulong sa BI detention facilities sa Taguig. FROILAN MORALLOS

Comments are closed.