BI NAGHIGPIT VS CHINESE NA GALING SA WUHAN

MAYNILA – IPINASUSPINDE ng Bureau of Immigration (BI) ang pagbibigay ng visa upon arrival (VUA) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) sa mga Chinese na papasok sa Filipinas.

Ayon kay Immigration Commissioner Jaime Morente, ipinag-utos niya ang temporarily suspension para maiwasang makapasok sa bansa ang novel coronavirus.

Ang hakbang na ito ay upang mapigilan ang pagpasok ng mga dayuhang Chinese galing sa iba’t ibang lugar sa China kung saan galing ang nasabing virus.

Kaugnay nito ipinakansela na rin ng Civil Aeronautics Board ang mga direct flight galing sa Wuhan kung saan nagmula ang sakit na ito.

Paglilinaw naman ni Morente na wala sa kanyang hurisdiksiyon ang pagpapatigil o pagpapa-ban sa mga Chinese, ang kanyang kautusan ay isa lamang paraan para maiwasang makapasok ang sakit na ito sa Filipinas.

Aniya, ang maaa­ring magpa-ban sa mga dayuhang Chinese ay ang Department of Foreign Affairs (DFA) o kaya ang opisina ng Pangulo, habang trabaho lamang niya ay ang mabantayan ang mga papasok na dayuhan na bogus ang papeles at mga terorista. FROI MORALLOS

Comments are closed.