KUNG mahilig kayong manood ng horror movie, don’t miss ang naiibang offering ng APT Entertainment, ang “Banal,” na ginagampanan ng limang young stars na sinubok ang kanilang katatagan sa pagsu-shooting nila sa kabundukan.
Tampok sina Bianca Umali at Miguel Tanfelix na kilalang-kilala na sa pagganap ng mga drama series sa GMA Network, tulad ng ginagawa nila ngayon, ang “Sahaya,” na napapanood gabi-gabi. Ganoon din si Kapamilya young actress Andrea Brillantes na napapanood naman sa afternoon drama na “Kadenang Ginto.” Kasama rin ang mga new young stars ng APT Entertainment na sina Taki Saito at Kim Blast.
“Hindi po pala biro ang gumawa ng horror film, na may kasamang drama,” sabi nina Miguel at Bianca noong premiere night ng movie sa Trinoma Mall. “Exhausting po physically and emotionally, ibang-iba sa TV dramas. Dito po kailangan naming umiyak, tumili, tumakbo at lumundag sa forest at malalim na ilog na may underwater scene pa kami. Ibang-iba po talaga ang paggawa namin nito.”
Kahit si Andrea ay hindi niya in-expect na ganito ang magiging character niya, even si Kim Last at si Taki na ibang-iba ang character na ginampanan niya.
Pero hahangaan mo silang lima sa pag-arte.
Habang nanonood sa Cinema 2 ng Trinoma, tahimik sila at maririnig mo na lamang ang tilian kapag may nakakagulat na eksena. May mga eksena ring biglang papalakpakan ng audience. Maganda ang special effects. Isa itong pagsasalaysay sa pagrespeto ng local culture ng mga Filipino.
Ang tanong ngayon, nakabalik ba ang limang youths na gustong malaman kung totoong may milagro? May twist sa story at kahit may katatakutan, may kilig pa rin pagdating sa magka-love team na Bianca at Miguel, na dahil present nga sila ay maririnig mo ang “uuuuyyyy!” mula sa fans nila. Maganda kasi ang ginawa, magkakasama ang fans nina Bianca, Miguel, Taki, Kim Last at si Andrea na kahit late na dumating dahil may event muna siyang pinuntahan sa ABS-CBN, hinintay siya ng mga fans niya.
Masaya rin ang mga fans ni Taki dahil umuwi lamang siyang pansamantala rito para sa showing ng “Banal.” Ang movie ang last niyang ginawa bago siya pumunta ng Japan, at ngayon ay member na siya ng isang K-Pop group doon.
Kaya “Banal” is a must see movie na mapapanood na simula ngayon, May 29, in cinemas nationwide. Binigyan ito ng R-13 classification ng MTRCB, ibig sabihin, puwede lamang manood ang mga kabataan na mula 13 years old.
Nag-attend din ng premiere night si Mr. Tony Tuviera ng APT Entertainment at si Rams David ng Triple A Agency.
NETIZENS NATUWA SA PHOTOS NINA ZIA AT BABY ZIGGY
ANG daming natutuwa sa mga pinu-post ng mag-asawang Dingdong Dantes at Marian Rivera na pictures ng mga anak nilang sina Zia at Baby Ziggy. May mga nagtatanong bakit daw laging tulog si Baby Ziggy sa mga pictures niya. Kaya naman natuwa na sila nang nag-post sina Dong at Yan ng picture noong bata pa si Zia at nakadilat na si Baby Ziggy. Ang comment nila, para raw kambal ang magkapatid kahit na three years ang pagitan nila. At sa picture, kamukhang-kamukha na si Ziggy ng daddy Dong nila.
Comments are closed.