KAHIT hindi pa sinisimulan ang bagong teleseryeng pagsasamahan nina Bianca Umali at Miguel Tanfelix ay siguradong masisiyahan ang kanilang mga tagahanga dahil nominated ang dalawa sa IMC TodayTV`s Face of the Year Awards 2018 sa Vietnam, bilang Favorite Foreign Actress of the Year at Favorite Foreign Actor of the Year.
Ang Face of the Year Awards ay ginagawa every year ng Vietnam`s TodayTV owned by IMC.
Kasalukuyan kasing umeere ang ginawang teleserye nina Bianca at Miguel na Once Upon A Kiss sa Vietnam noong 2015.
Naging maganda kasi ang pagtanggap ng mga televiewer sa Vietnam sa teleserye ng Bianca/Miguel loveteam kaya sikat na sikat na sila sa Vietnam.
Open to the public ang online voting kaya maaring iboto sina Bianca at Miguel ng kanilang fans sa links na provided ng IMC TodayTV.
Ang links ay Vote for Miguel as IMC`s Favorite Foreign Actor of the Year 2018 Awards at Vote for Bianca as IMC`s Fovorite Foreign Actress of the Year 2018 Awards. May pagkakataon pa ang mga tagahanga at supporters ng dalawa hanggang December 31 at 3:30 pm (Manila time) sa online voting.
Ang mga Kapuso actress na nanalo na noon bilang Favorite Foreign Actress ay sina Marian Rivera (2014) at Carla Abellana (2016).
Kahit nagluluksa
TIRSO CRUZ III: THE SHOW MUST GO ON
THE show must go on para kay Tirso Cruz III na may dalawang entries sa MMFF ngayong taon at isa na nga itong Jak Em Poy:Puliscridibles.
Hindi kaila na nagluluksa pa rin hanggang ngayon si Pip dahil sa pagkamatay ng kanyang panganay na anak na si Teejay Cruz last Nov. 21.
Dumating si Pip sa grand presscon ng Jak Em Poy held kamakailan lang at marami ang bumilib sa pagiging professional actor nito.
“I`m coping with the situation in life,” pahayag ni Pip. “Sabi nga nila, ‘yung mga taga-showbiz, alam naman yata ng lahat ‘yun, there`s a saying that, “the show must go on, no matter what.”
Dumarating ang mga tao, maging sa entablado, sa telebisyon, sa pelikula, nagtutungo roon ang tao upang ma-entertain, upang makapanood ng magandang palabas, kaya dapat, naihihiwalay namin ‘yung personal namin du’n sa trabaho namin.
“Pag trabaho, trabaho. ‘Yung personal will come later and alam ko naman, ‘yung mga Filipino, likas sa atin ‘yun, ‘pag nalaman nila na may pinag-dadaanan man ang tao, nauunawaan nila ‘yun.
“But of course, kami naman, bilang mga artista ang unang tungkulin namin, ilagay ‘yung talent namin at ibigay ‘yung kung ano ‘yung inaasahan ng mga tao.”
Lalo pa raw ngayon at Kapaskuhan na panahon ng kasiyahan and looking forward din ang mga tao na ma-entertain sa MMFF movies.
Comments are closed.