BIFF HINDI SUSPEK SA  MAGUINDANAO BOMBINGS

BIFF

CAMP AGUINALDO – INABSUWELTO ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) na walang kinalaman ang BIFF sa mga pagpapasabog sa Cotabato City at sa Maguindanao noong nakalipas na halalan.

Inihayag ito ni 6ID Commander Maj Gen Cirilito Sobejana kasabay ng pagsabi na “endangered species” na ang BIFF.

Ayon sa opisyal, nagtangkang magpakitang-gilas ang BIFF bago mag-eleksiyon pero agad silang nahadlangan ng militar, kaya hindi na naka-panggulo ang mga ito sa mismong araw ng halalan.

Kasabay nito, minaliit ng heneral ang mga pagpapasabog sa Cotabato at Maguindano na maituturing lang aniyang “pambubulabog”.

Aniya, ang mga naturang pagsabog ay mistulang “politically motivated” sa  layong takutin ang mga nagbabantay ng election paraphernalia.

Hindi na aniya dapat pansinin ito dahil wala namang nasaktan at wala ring nasirang  ari-arian. REA SARMIENTO

Comments are closed.