‘BIG J’ ISAMA NATIN SA ATING MGA PANALANGIN

on the spot- pilipino mirror

NAGDIWANG ng kanyang 75th birthday ang living legend ng PBA na si coach Sonny Jaworski noong March 8.

Pero kamakailan ay napabalitang may sakit ang nagpatanyag ng ‘NEVER SAY DIE’ spirit sa team ng Barangay Ginebra.

Ang pamilya ni Jaworski ay nanawagan sa mga follower ng Ginebra at sa mga kaibigan nito na isama sa kanilang panalangin ang mabilis na paggaling ni ‘Big J’ upang makasama pa natin siyang sumusuporta sa sports world,  lalo na sa basketball.

Si ‘Big J’ ay napag-alamang may pneumonia at rare blood disease. Nag-negative naman siya sa COVID-19. Hindi naman umano nakamamatay ang sakit nito. Bumabalik na rin ang kalakasan ng pangangatawan ng dating player/coach at senador. Kaya sana ay patuloy pa rin natin siyang isama sa ating mga panalangin.

Get well soon, ‘Big J’!



Bagama’t may team si Greg Slaughter ay masama ang loob niya dahil pakiramdam niya ay niloko siya ng management ng Ginebra. Buong akala ng Fil-Am player ay sa Gin Kings siya maglalaro. Ipinamigay ito sa NorthPort Batang Pier kapalit ni Christian Standhardinger.

Gustuhin man ni coach Tim Cone na pabalikin ang paboritong player sa kampo ng Ginebra ay wala itong magagawa. Kagustuhan ng management na ilipat si Greg  sa sister team. Oks na  ang team ni Slaughter ngayon at siguradong magagamit siya ni coach Pido Jarencio. Posible pang magbago ang istilo nito sa paglalaro Baka nga bumilis pa  ang kilos niya sa Batang Pier.  Knowing coach Jarencio, mahusay rin siyang mag-motivate ng player. Kapag nagsimula ng ang 46th season ng PBA, siguradong ilalabas ni Slaughter ang sama ng loob niya sa Ginebra lalo na kapag ito ang makakaharap ng NorthPort.

Good Luck, Greg!



Excited na si coach Chris Gavina sa pagbubukas  ng 46th season ng PBA sa April 11. Siyempre ay dahil siya na ang head coach ng Rain or Shine Elasto Painters.

Mabibigyan niya umano ng magandang exposure si James Yap sa team. Ang tanong lang naman ay kaya pa kaya ni Yap ang mahabang playing time gayong ang edad niya ay 39 na. Noong panahon ni coach Caloy Garcia ay ‘di niya ito masyadong nagagamit. Marahil ay hindi niya type ang istilo ng laro ni James. Kaya maraming  fans ni King James ang nagagalit kay Garcia. Maraming natuwa nang palitan si caoch  Caloy ng management, na dapat daw ay matagal na nitong ginawa.

Abangan natin ang laro ni James sa kanyang mahabang playing time sa ROS.

4 thoughts on “‘BIG J’ ISAMA NATIN SA ATING MGA PANALANGIN”

  1. 553982 538587This design is steller! You undoubtedly know how to keep a reader entertained. Between your wit and your videos, I was almost moved to start my own blog (well, almostHaHa!) Great job. I actually enjoyed what you had to say, and more than that, how you presented it. Too cool! 121819

Comments are closed.