BIG-TIME OIL PRICE HIKE NAKAAMBA

ASAHAN ang ikaapat na sunod na linggong dagdag-presyo sa oil products.

Sinabi ni Department of Energy – Oil Industry Management Bureau Assistant Director Rodela Romero, batay sa apat na araw na kalakalan, posibleng tumaas mula  P1.95 hanggang P2.10 sa kada litro  ang gasolina  habang nasa  65 centavos hanggang 85 centavos naman ang posibleng itaas sa kada litro ng diesel.

Nasa  hanggang 30 centavos ang itataas sa presyo ng kerosene.

Habang sa pagtaya ng ibang oil players, hanggang P2.40 ang itataas sa kada litro ng gasolina at maaaring sumampa sa piso ang itataas sa diesel.

Sinasabing ang oil price hike ay dulot ng mataas na demand sa merkado at bumabang US crude oil stock sa panahon na mataas ang demand.

EUNICE CELARIO