BIG TIME PUSHER UTAS SA ENGKUWENTRO

drug pusher

LAGUNA – NABARIL at napatay matapos na kumasa sa mga kagawad ng Provincial Intelligence Unit (PIU) PDEA4A, Provincial Drug Enforcement Unit (PDEU) at Pila Police ang itinuturong High Value Individual (HVI) sa isinagawang buy bust operation sa Bgy. Sta. Clara Norte nitong Biyernes ng gabi.

Sa ulat ni PIU Chief Maj. Ryan Jay Orapa kay Laguna PNP Provincial Director Col. Serafin Petalio II, kinilala ang suspek na si Joeffer Alba, alias “Joe/Dads” ng Maharlika Village, Taguig, Metro Manila.

Nabatid na dakong alas-10:10 ng gabi nang magkasa ng Anti-Illegal Drugs Operation sina Orapa, Pila Police Chief Capt. Robin Martin at mga tauhan nito na kung saan ay isa sa mga ito ang nagpanggap na poseur buyer gamit ang buy bust money na nagkakahalaga ng P12,000 nang hindi inaasahang mauwi sa engkwentro.

Narekober mula sa suspek ang ginamit nitong kalibre 45 baril, 9 medium plastic sachet na naglalaman ng bulto bultong shabu na umaabot sa 50 gramo na may kabuuang halaga na P345,000.

Lumilitaw sa pagsisiyasat, kabilang sa grupo ng Criminal Gang ang suspek kung saan may mga nakabinbin pang kaso ng paglabag sa pagtutulak ng Illigal na droga, RA 10591(Comprehensive Law of Firearms and Ammunitions) at Attempted Homicide.

At sangkot din ito sa malawakang operasyon ng pagtutulak ng droga sa buong lalawigan ng Laguna, Muslim Areas sa bayan ng Siniloan at lungsod ng Calamba kabilang ang kaugnayan nito sa Provincial Jail Detainee na si Alexis Raz na responsable sa drug transactions habang nasa loob ng piitan. DICK GARAY

Comments are closed.