SA PAGPASOK ng Marcos administration, tinutukan ang pagpapasigla sa agrikultura, higit sa produksiyon ng pagkain.
Kasama na rin ang paghimok sa mga agricultural worker na siyang frontliner sa produksiyon ng pagkain.
Bukod sa layunin na matiyak na may sapat na pagkain ang bawat Pinoy, ito rin ang pagkontrol laban sa pagtaas ng presyo ng pagkain.
Gayunman, may mga pagkakataon na sumirit ang presyo ng bigas kaya nagpatupad ng price cap noong isang taon para rito kung saan ang mga maliliit na negosyante ng bigas ay nabigyan ng P15,000 cash aid para tiyaking hindi magtataas ng kanilang presyo.
Habang sa unang mga buwan ng kasalukuyang administrasyon, iminungkahi rin ang pagtatanim ng mahuhusay na binhi para mapataas ang produksiyon ng palay.
Iyan ang mga ginagawa ng pamahalaan na ibig sabihin tutok talaga para sa mataas na produksiyon.
Gayunman, maraming balakid dahil hindi pa rin talaga maibaba ang presyo nito.
Ang mataas na presyo ng bigas ay laging isinsisi sa importasyon habang patuloy na nagiging aba ang mga magsasaka.
Ngunit kakaiba naman ang katuwiran ng ilang grupo ng magsasaka at ito ay malamig sila sa pahayag ng DA na hindi kakailanganin ang importasyon.
Katuwiran ng grupo, maaaring kapusin ang supply ng bigas dahil umiiral ang El Nino.
Sa average, kailangan ng tatlong milyong toneladang bigas kada taon, pero dahil sa El Niño ay posibleng pumalo sa apat na milyong tonelada ang dapat i-produce.