BIGASAN LIVELIHOOD PROGRAM SA MGA FULLY VACCINATED

SA pakikipag-ugnayan ng lokal na pamahalaan ng Muntinlupa at ng Department of Labor and Employment-National Capital Region (DOLE-NCR) ay na­ilunsad ang proyektong Bikecination at Bigasan live­lihood program for para sa mga fully vaccinated workers at indigent residents sa lungsod.

Pinangunahan ni Mun­tinlupa City Rep. Ruffy Biazon ang pag­lulunsad ng naturang programa kabilang sina DOLE-NCR Director Leo­nides Castillon Jr. at Muntinlupa Public Employment Service Office (PESO) chief Glenda Zamora-Aniñon na ginanp sa Muntinlupa Sports Center, Brgy. Tunasan.

Sa proyektong Bikecination ay nasa 28 benepisyaryo na mga fully vaccinated kung saan ang kanilang mga magulang ay naging benepisyaryo rin ng Joint Resource Financing Program (JRFP) at ng youth entrepreneurs sa ilalim ng Youth Affairs and Sports Development Office (YASDO) ang tumanggap ng tig-isang bisikleta na mayroong kasamang accessories tulad ng carrier bag, bottle, head gear, back and front light, vest, kapote at cellphone units na ang bawat isa ay mayroong P5,000 prepaid load.

Ang layunin ng Bikecination project ng DOLE ay upang mabigyan ng alternatibong pagkakakitaan anginformal sector workers o ang kanilang pinakamalapit na kamag-anak na nasa ilalim ng A4 category na mga fully vaccinated na ng CO­VID-19 vaccine.

Target ng naturang proyekto na mabigyan ng insentibo ang mga informal sector workers at mahikayat din ang mga ito na magpabakuna upang matulungan ang gob­yerno sa paikipaglaban ng bansa sa nararanasang pandemya na dulot ng COVID-19.

Samantala, sa Biga­san livelihood program ay 25 benepisyaryo naman na mga magulang kung saan ang kanilang mga kabataang anak ay nagtatrabaho na ang tumanggap ng tig-walong 25-kilo bigas na nagkakahalaga ng P10,000.

Ang iba pang opis­yales na lumahok sa naturang paglulunsad ay sina JRFP acting head Maylene Viñas; Youth Affairs and Sports Development Office chief Cynthia Viacrusis; City Cooperative Office chief Atty. Nemei Santiago; Social Service Department chief Analyn Mercado; at Tourism, Culture and the Arts Department chief Juvy Engo. MARIVIC FERNANDEZ

4 thoughts on “BIGASAN LIVELIHOOD PROGRAM SA MGA FULLY VACCINATED”

Comments are closed.