ISANG P13 milyon drug equipment ang ipinagkaloob ng United States Drug Enforcement Agency (USDEA) sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) para palakasin ang laban nito kontra drug syndicate.
Ayon sa US Embassy sa Manila, layunin nito na higit pang mapaigting ang airport interdiction and investigation capabilities ng ahensiya.
Isinagawa ang turn-over ceremony sa PDEA National Headquarters sa Quezon City na dinaluhan ng ilang mga matataas na opisyal ng US sa pangunguna ni Mr. Christopher J. Adduci, Country Attache, USDEA at Brett Blackshaw, Political Counselor, US Department of State.
Ayon kay PDEA Director General Wilkins Villanueva, malaking tulong sa kanilang kampanya ang mga nasabing kagamitan lalo na sa transnational drug trafficking investigation sa mga paliparan.
Ang ibonigay na mga donasyong kagamitan ay kinabibilangan ng 3Rigaku handheld drug analyzers, 2 N2200 handheld narcotics detectors, 2 Viken HBI-120 handheld X-ray imagers, 1 B & W TEK tactic ID-1064 handheld Raman spectrometer at 1 Heuresis handheld X-ray unit.
Kaugnay nito, nagpahatid naman ng kanyang pasasalamat si Villanueva sa USDEA at a US International Narcotics and Law Enforcement Affairs Bureau sa kanilang walang tigil na pagsuporta sa PDEA lalo na sa training at capability building.
Nabatid pa kay Villanueva na hindi lang ito ang unang pagkakataon na nagbigay ng donasyon ang USDEA sa PDEA. VERLIN RUIZ
Comments are closed.