SINIBAK ang hepe ng Manila Police District Station 5 dahil sa kabiguang maipatupad nito ang pinaiiral na social distancing nang dumagsa ang mga tao sa Manila Bay para tumapak sa pinagmamalaking white sand beach sa Maynila.
Ito ang kinumpirma ni kay Interior and Local Government Secretary Eduardo Año sa isang panayam na aalisin nito sa puwesto si MPD station 5 Commander P/Lt Col Ariel Caramoan sanhi ng paglabag sa ipinatutupad na minimum health standard.
Dahil dito, si P/Lt. Col. Alex Daniel ang papalit kay Caramoan bilang OIC, MPD Station 5.
As the immediate area commander, Police Lt. Col. Ariel Caramoan should have taken the initiative in planning and implementing strict security and health safety measures for the opening of the cleaned and beautified portion of the Manila Bay, popularly known as the Manila Bay White Sand Baywalk, to the public,” giit ni JTF COVID Shield commander Lt. Col. Guillermo Eleazar”,
Nabatid na bago pa man ihudyat ang pagbubukas ng white sand area sa bahagi ng Manila Bay, mahigpit na ang tagubilin ni Manila Mayor Isko Moreno na observe social distancing at ipatupad ang minimun health requirement. VERLIN RUIZ
Comments are closed.