CAVITE- ARESTADO ang isang binatilyo na kabilang sa High Value Target list ng pulisya at bigtime dealer sa magkahiwalay na operasyon ng operatiba sa lalawigang ito.
Ang binatilyo ay kinilala na si alyas Chayan, 17-anyos na nahulihan ng mahigit sa 100 gramo ng shabu sa inilatag na buy bust operation sa Brgy Paliparan 3, Dasmarinas City ,Cavite .
Dakong alas-4 ng madaling-araw nang masakote ang binatilyo kung saan marekober dito ang 2 malaking plastic na naglalaman ng mga shabu na nagkakahalaga ng P680,000.00.
Habang tumataginting na P12.2 milyong halaga ng shabu ang nasabat sa isang bigtime dealer kahapon sa Brgy Sampaloc 3, Dasmarinas City , Cavite.
Kinilala ng pulisya ang bigtime pusher na si alyas Nick, nasa hustong gulang.
Sa nakalap na ulat mula sa Provincial Drug Enforcement Unit ng Cavite PPO, dakong alas-10:40 ng umaga nang ikasa ng PDEU CAV PPO at Dasmarinas Police ng isang buybust laban sa suspek.
Nakumpiska sa suspek ang 8 medium size ng plastic at 1 chinese tea bag kung saan nakalagay ang mga droga na aabot sa timbang na 1,800 gramo at may halagang P 12,240,000.00.
Nahaharap ang dalawang suspek sa paglabag sa ipinagbabawal na gamot sa ilalim ng Republic Act of 9165.
SID SAMANIEGO