BIHAG PINALAYA NG ABU SAYYAF

SULU – PINALAYA ng mga bandidong Abu Sayyaf ang isa nilang bihag na lalaki na kasama ng dala­wang policewoman na kinidnap sa Patikul kamakailan.

Kinumpirma ni Chief Supt Graciano J Mijares, Regional Di­rector Police Regional Office-ARMM, ang pagpapalaya kay Faizal Ahidji, 24-anyos, may asawa ng Brgy. Palar.

Nabatid na bandang alas-3:00 kamakalawa ng hapon ay sinamahan nina Aida E. Albani, residente ng Kasulutan, Bus-bus, Jolo, Sulu at Karma Alsanul Muksan Asanul, Yushran Usman at Analyn Usman ang pinalayang kidnapped victim sa headquarters ng Joint Task Force Sulu.

Ayon sa impor­masyon, ang biktimang si Faizal Hambali ay inabandona ng mga kidnapper sa may Sitio Daang Puti, Barangay Bangkal, Patikul.

Kung maaalala, si Hambali, kasama ang dalawang pulis na sina PO2 Benierose Alvarez at PO1 Dinah Gumahad na nakabase sa Police Regional Office (PRO- 9) at ang driver ng tri­cycle na kanilang sina­sakyan na si Jakosalem Blas, ay dinukot noong ika-29 ng Abril sa Ba­rangay Liang, Patikul.

Nabatid na mata­pos mapalaya ay dinala siya kaagad ng kanyang pamilya sa headquar­ter ng Joint Task Force Sulu kung saan isinaila­lim sa custodial debrief­ing.

Wala pang inilabas na dagdag na impor­masyon ang militar sa Sulu ukol sa paglaya ng isa sa apat na biktima habang nakatutok ngayon ang kanilang res­cue operation sa natitira pang tatlong kasamahan at sa iba pang mga bi­hag na matagal na ring hawak ng mga bandido.

Hindi rin malinaw kung may kapalit na ransom sa paglaya ng isa sa tatlong biktima.

Una na ring inihayag ni Joint Task Force Sulu Commander Brig. Gen­eral Cirilito Sobejana na base sa natanggap niyang impormasyon na humihingi ng halagang P300,000 ang mga kid­napper para sa kalayaan ng dalawang lalaking bihag.

Habang sa panig ng Philippine National Po­lice ay kinumpirmang umaabot sa P5 milyon ang ransom demand para naman sa kalayaan ng dalawang baabeng pulis. VERLIN RUIZ

Comments are closed.