EXEMPTED sa pagsusuot ng face shield ang mga biker sa Pasig City.
Ito ang inianunsiyo ng pamahalaang lungsod ng Pasig sa pamamagitan ng Pasig Transport Facebook nitong Sabado.
Sa nasabing post, may ebjdensiya at lumabas din sa consultation sa mga biker na mapanganib ang pagsusuot ng face shield habang nagbibisikleta.
“Wearing a face shield obstructs view and makes breathing difficult. Meanwhile, biking naturally isolates riders from other commuters,” ang nakalagay sa post.
Kamakailan ay nagpasya ang Inter-Agency Task Force on the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF) na gawing mandatory ang pagsusuot pareho ng face mask at face shield sa lahat ng oras sa paglabas ng bahay bilang pag-iingat laban sa pagkahawa sa COVID-19.
Iniutos din ng IATF sa Department of Health (DOH), Department of Trade and Industry, Department of Labor and Employment, at iba pang ahensiya na maglabas ng anunsiyo para sa tamang paggamit o pagsusuot ng face shields paglabas ng bahay.
Comments are closed.