BIKOLANO COPS IMINULAT ANG MGA KABATAAN SA KANILANG MGA KARAPATAN

PINAPURIHAN ni Philippine National Police (PNP) chief General Guillermo Eleazar ang naging hakbang ng PNP-Police Regional Office 5 sa pamumuno ni Regional Director BGen. Jonnel C Estomo na pagmulat at pagtuturo sa mga kabataan hinggil sa kanilang mga karapatan at pagsawata sa pang-aabuso sa mga menor sa pamamagitan ng pagkakaloob ng tamang impormasyon.

Ito ay makaraang umpisahan ng Catanduanes 1st Provincial Mobile Force Company ang kanilang information drive tungkol sa karapata ng mga kabataan ng Barangay Timbaan sa bayan ng San Andres sa pamamagitan ng Virtual Bisita Eskwela.

Nabatid na pinalalakas ngayon ng Bicol PNP ang kanilang kampanya sa pamamagitan ng pagtuturo sa mga kabataan gaya ng ginawa sa lalawigan ng Catanduanes hinggil sa kanilang mga karapatan gayundin ang iba’t ibang uri ng pang-aabuso.

Tinalakay ng mga pulis sa naturang aktibidad kung paano ipagtatanggol ng mga kabataan ang kanilang sarili at ang kahalagahan ng pagtitiwala sa mga alagad ng batas sa paglaban sa kanilang karapatan gayundin ang kahandaan ng mga pulis na sila’y tulungan.

“Maganda na sa murang kaisipan pa lamang, malaman na ng mga bata ang kanilang mga karapatan at matatak na sa kanilang pag-iisip na ang kapulisan ay handa na bigyan sila ng proteksyon sa anumang pagkakataon,” wika ni PGen Eleazar.

Namahagi rin ang mga pulis ng school supplies at ilang meryenda sa mga kabataang nagsidalo sa aktibidad. VERLIN RUIZ

5 thoughts on “BIKOLANO COPS IMINULAT ANG MGA KABATAAN SA KANILANG MGA KARAPATAN”

Comments are closed.