BILANG NG NASUGATAN SA PAPUTOK, 288 NA

paputok

UMAKYAT  pa sa 288 ang bilang ng mga taong nasugatan sa paputok dahil sa pagsalubong sa taong 2020.

Batay sa inisyung Fireworks-Related Injuries (FWRI) report ng Department of Health, lumilitaw na  nakapagtala pa sila ng karagdagang 124 FWRI kahapon, sanhi upang umakyat na sa 288 ang bilang ng mga nasugatan sa pagpapaputok mula Disyembre 21.

Nilinaw naman ng DOH na mas mababa pa rin ito ng 25 kaso o 8% kumpara sa 313 kaso na naitala nila sa kaparehong petsa noong nakaraang taon.

“These were all injuries due to fireworks. No stray bullet injury or firework ingestion reported. No death reported,” anang DOH.

Nabatid na karamihan sa mga nabiktima ng paputok ay mula sa National Capital Region (NCR), na umabot sa 143 kaso; sumunod ang Region 6 (29 kaso); Region 1 (26 kaso); Calabarzon (22 kaso); Region 3 (19 kaso); Regions 3 at 2 (tig-13 kaso); at Region 5 (10 kaso).

Ang mga biktima ay nagkakaedad ng mula 11 buwan hanggang 72-taong gulang, at ang median age ay 13-anyos at nasa 201 o 70% ang mga lalaki.

Nasa 211 o 73% ang nagtamo ng blast/burn injuries without amputation, 70 o 24% ang nagkaroon ng eye injuries at 10 o 3% ang dumanas ng blast/burn injuries with amputation.

“Of the 288 kaso, three had multiple injuries,” anang DOH.

Ngayong taon, ang kwitis na isang legal na paputok ang pinakamaraming nabiktima na umabot sa 63 kaso; sumunod naman ang legal fireworks na fountain at luces na nakapagtala ng tig-32 biktima; pang-apat lamang ang piccolo, na isang ilegal na paputok, na nakapambiktima ng 17 kaso at ang trianggulo na nakapagtala naman ng 13 kaso. ANA ROSARIO HERNANDEZ

Comments are closed.