PASAY CITY- DALAWAMPU’T isa ang nadagdag sa bilang ng mga overseas Filipino worker (OFW) na apektado ng coronavirus disease (COVID-19).
Sa datos ng Department of Foreign Affairs (DFA) hanggang May 7, nasa 1,922 na overseas Filipinos (OFs) ang kumpirmadong positibo sa COVID-19 sa 46 na bansa at rehiyon.
Ayon sa DFA, 557 naman ang nakarekober sa nakakahawang sakit o na-discharge na sa ospital.
Nasa 222 naman ang bilang ng Pinoy abroad na pumanaw dahil sa COVID-19.
Pinakamarami pa ring naitalang confirmed COVID-19 positive na OF sa bahagi ng Europa na may 612 na kaso.
Sumunod dito ang Americas na may 503 confirmed COVID-19 positive cases na OF.
Nasa 373 naman ang kaso sa Asia Pacific Region at 434 sa Middle East/Africa. PILIPINO MIRROR REPORTORIAL TEAM
Comments are closed.