(C)CNN Philippines
Ayon kay DOTr Secretary Jaime Bautista, makikipag-ugnayan sila sa Metro Manila Development Authority (MMDA), Philippine National Police (PNP), Armed Forces of the Philippines (AFP) at sa Philippine Coast Guard (PCG) para matugunan ang isyu.
Dagdag pa ni Bautista, hindi man ganap na mawala ang mabigat na daloy ng trapiko, handa naman silang magkaroon ng partisipasyon para mabawasan at hindi masyadong lumala ito.
Aniya, kailangang gawin ito bilang paghahanda na rin sa pagsisimula ng face- to-face classes sa bansa.
DWIZ 882