LUMAKAS pa ang binabantayang bagyo sa labas ng Philippine Area of Responsibility (PAR).
Sa weather update bandang 4:00 ng hapon ng Miyerkoles ay inihayag ni Pagasa weather specialist Benison Estareja na isa nang ganap na severe tropical storm ang Bagyong “Kammuri.”
Huli itong namataan sa layong 1,645 kilometers sa Silangang bahagi ng Visayas.
Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 95 kilometers per hour malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 115 kilometro kada oras.
Posible itong pumasok sa loob ng bansa sa Linggo, Disyembre 1.
Oras na pumasok sa bansa, posibleng makaapekto ang bagyo sa bahagi ng Central at Southern Luzon kabilang ang Metro Manila at mga lugar na pagdarausan ng 30th Southeast Asian (SEA) Games.
Pangalawa, tatahakin nito ang Northern at Central Luzon ngunit hindi naman tatama sa kalupaan.
Ayon sa Pagasa, nararanasan ngayon ang northeast monsoon o amihan pa rin ang nakakaapekto sa Northern Luzon.
Comments are closed.