BATAAN- SA pagnanais na makakuha ng wild plants mula sa kagubatan, kamatayan ang sumalubong sa isang 20- anyos na lalaki nang malunod ito sa bahagi ng Dunsulan Falls, Brgy. Liyang, Pilar.
Batay sa ulat ni Pilar Municipal Police Station Chief of Police Capt. Emerson Coballes kay Bataan Police Director Col.Joel K. Tampis, nakilala ang biktimang si Allan Walter Cruz, binata at residente rin ng nabanggit na barangay.
Sa imbestigasyon ng pulisya, noong Miyerkules ay nagtungo sina Cruz at Kevin Hernandez sa isang burol malapit sa Dunsulan Falls para manguha umano ng mga wild plant nang aksidente madulas ang biktima at mahulog sa talon.
Sinubukan umanong iligtas ni Hernandez ang biktima subalit sa takot na siya’y malunod din, minabuti lamang na tumawag ito ng saklolo.
Huwebes ng hapon ng marekober ang bangkay ng biktima. ROEL TARAYAO
Comments are closed.