BINATILYO NASILO, P13.6-M SHABU NASAMSAM

shabu

CEBU CITY – PINOPROSESO na ang kaso ng 19-anyos na lalaki na nadakip ng pulisya upang busisiin kung dapat ay Department of Social Welfare and Development (DWSD) ang mag-asikaso sa kanya  matapos itong makuhanan ng P13.6 milyon halaga ng shabu sa buy bust operation sa Barangay Cogon Ramos sa Cebu City noong Biyernes ng gabi.

Ayon kay Police Lt. Col. Glenn Mayam, Police Drug Enforcement Group Visayas (PDEG Visayas) chief, ang suspek ay nakilalang sa alyas RR.

Nakumpiska kay RR ang isang kilo ng shabu na ibinenta nito sa undercover na pulis.

Bukod sa isang kilong shabu, nakuha pa ang reserbang droga sa suspek  na nasa isang kilo rin.

Sa kabuuan, ayon sa Dangerous Drugs Board, ang 2 kilo ng shabu ay nagkakahalaga ng P13.6 milyon.

Dalawang buwan na minonitor ng awtoridad ang mga ilegal na aktibidad ng suspek na nakatira sa Lopez Street sa Barangay Labangon, Cebu City bago isinagawa ang operasyon. PILIPINO MIRRO REPORTORIAL TEAM

Comments are closed.