PASAY CITY – PATAY ang isang rider at sugatan naman ang angkas nito matapos mabangga ang kanilang sinasakyang motorsiklo sa isang cemented lamp post Sabado ng madaling araw sa Pasay City.
Nakilala ang nasawi na si Rizaldy De Paz, 17, habang ang back rider ay si John Joseph Foser,16, parehong naninirahan sa Villamor Airbase, Pasay City.
Si De Paz ay idineklarang dead on arrival sa Pasay City General Hospital dahil sa tinamo nitong matinding sugat sa ulo at baling buto sa katawan samantalang si Foser ay kasalukuyan pa rin na nasa kritikal na kondisyon sa naturang hospital.
Naganap dakong 12:30 ng madaling araw sa may Leveriza St., Barangay 22, Pasay City.
Ayon sa pulisya, hindi napansin ng driver na si De Paz ang malaking humps ng dumaan sa nautrang lugar kung kaya ito ay sumalpok sa isang sementadong electric lamp post.
Dagdag pa ng pulisya na dahil sa lakas nang pagsalpok sa sementadong electric lamp post ay tumalsik ang dalawang biktima una ang kanilang ulo na tumama sa cemented pavement.
Ayon naman kay barangay kagawad Loisa Peralta, nakita ng dalawang beses dumaan sa kalsada ang motorsiklo bago naganap ang aksidente.
Sinabi pa ng barangay na walang suot na helmet ang mga biktima nang maganap ang insidente at wala rin umanong papeles ang motorsiklo. MARIVIC FERNANDEZ
Comments are closed.