QUEZON – ISANG lalaki na pinasok sa kanilang bahay saka binaril ng dalawang hindi nakilalang salarin sa Lucena City.
Kinilala ang biktima na si Christian Llaneta Nuera alyas Oron, 28-anyos.
Batay sa salaysay ng karelason ni Nuera, pinatay ito sa loob ng kaniyang bahay sa Purok Trade, Brgy. Ibabang Iyam ng dalawang lalaking suspek.
Sinabi ni Chris Chenery Dinglasan Datinguinoo, live-in partner, 41-anyos, ni Nuera, narinig niyang hiningi ng mga suspek ang droga sa biktima saka binaril ito sa noo dahilan ng pagkasawi nito.
Samantala sa Purok Atis, Brgy. Mayao Crossing naman, pinagbabaril ang babaeng biktima na si Regina Orbes ng riding in tandem criminals na sanhi ng pagkamatay nito.
Nagpapatuloy pa rin ang imbestigasyon ng awtoridad sa naturang insidente para matukoy kung ano ang dahilan sa pamamaslang at pagkakakilanlan ng mga suspek. PILIPINO Mirror Reportorial Team
Comments are closed.