(Binayaran ng PSE-listed firms sa shareholders) P402-B CASH DIVIDENDS

TUMAAS ang halaga ng cash dividends na binayaran ng publicly listed companies (PLCs) sa common shareholders ng 17.3 percent sa P402.18 billion noong 2021 mula sa P342.88 billion sa naunang taon, ayon sa datos ng Philippine Stock Exchange (PSE).

Katumbas ito ng dividend yields na 2.58 percent at 2.50 percent, ayon sa pagkakasunod.

“The gradual reopening of the local economy allowed companies to generate better income, which resulted in bigger dividends for shareholders. We hope that earnings growth among PLCs continues to improve to ensure steady dividend income for stock market investors,” wika ni PSE president and chief executive officer Ramon Monzon sa isang statement.

Para sa PSEi companies, ang cash dividends na binayaran ng 28 sa 30 main index members ay nagkakahalaga ng P157.58 billion, na nagbigay sa common shareholders ng 1.72 percent dividend yield.

Noong 2020, nasa 29 PSEi constituents ang nagkaloob ng P157.05 billion na cash dividends, na nagbigay ng dividend yield na 1.76 percent.

Sa anim na sektor sa PSE, ang Financials ang may pinakamalaking dividend payout sa P187.55 billion.

Kabilang sa PLCs na nagbayad ng dibidendo ang Real Estate Investment Trusts (REITs) na nakatala sa PSE na kinabibilangan ng AREIT, Inc., DDMP REIT, Inc., Filinvest REIT Corp., RL Commercial REIT, Inc., at MREIT, Inc.

“With around 40 percent of PLCs giving out dividends to their common shareholders, we deemed it necessary to showcase companies that provide high dividend income to investors by coming up with a dividend yield index. This thematic index will be one of the new indices that we will be introducing within the semester,” dagdag ni Monzon.