ISANG pagkakamali sa takbo ng ekonomiya ng bansa na siyang sentro ng posibleng tuluyang pagbagsak ng kalakalan ay maglalagay sa atin sa mahirap na sitwasyon para labanan ang pamiminsala ng COVID-19 pandemic na siya ngayong suliranin sa buong daigdig.
Kaya naman, ayon kay Finance Secretary Carlos ‘Sonny’ Dominguez III, ang Bureau of Internal Revenue (BIR) at Bureau of Customs (BOC) na mga ahensiya na pinagkukunan ng malaking bahagi ng pondo ng pamahalaan para tustusan ang lahat ng pangangailangan nito ay kanyang inatasan na magsagawa ng ‘massive tax collection drive’ at kumbinsihin ang tax paying public na tumupad sa kanilang yearly tax obligations, lalo na ngayong ang bansa ay nahaharap sa matinding krisis.
Sinang-ayunan ni Secretary Dominguez ang payo ni acting National Economic and Development Authority (NEDA) Secretary Karl Chua na kailangan ang seryosong kampanya ng BIR at BOC laban sa erring taxpayers at labanan nang husto ang ‘smuggling activities’ upang makakolekta ng karagdagang buwis aat masampahan ng kaukulang kaso ang mga nasa likod ng ilegal na gawain.
Ang pangangailangan ng karagdagang pondo para labanan ang COVID-19 pandemic ay kasunod ng pahayag ni Presidential Spokesman Harry Roue na P77 bilyon na lamang ang natitirang pondo sa 2019 budget kung kaya kinakalampag nila ang Kongreso para hingan ng suplemental funding ukol dito.
Una nang kinuwestiyon ni Senator Panfilo ‘Ping’ Lacson ang pahayag kamakailan ni Budget Secretary Wendel Avisado na kailangan pa ng karagdagang budget na tinatayang nasa P989 bilyon na kukunin sa unused appropriations na nakapaloob pa rin sa 2019 spending plan. Ayon kay Senator Lacson, kailangan munang ipaliwanag ng administrasyon kung paano nila naubos o saan ginamit ang mga pondo sa pamamagitan ng breakdown computation.
Ito ang dahilan kung bakit inatasan nina Secretaries Dominguez at Chua sina BIR Commissioner Caesar ‘Billy’ Dulay at BOC Commissioner Rey Guerrero na pakilusin ang buong puwersa ng Kawanihan at Aduana sa pagsasagawa ng ‘massive tax campaign’ para matugunan ang matinding pangangailangan sa pondo ng Duterte administration.
Ang pananalasa ng COVID-19 ay nagkaroon ng malaking epekto sa tax collections ng BIR at BOC. Kaya naman sa BIR, kahit naka-skeletal force ay inatasan ni Commissioner Billy si DepCom Arnel Guballa na magbigay ng direktiba kina BIR Regional Directors Grace Javier (Caloocan City), Jethro Sabariaga (City of Manila), Romulo Aguila, Jr. (Quezon City-B), Albin Galanza (QC-A), Maridur Rosario (Makati City-A), Glen Geraldino (Makati City-B), Dante Aninag (Cagayan De Oro City), Ed Tolentino (San Fernando, Pampanga), Ric Espirity at Jerry Dumayas (San Pablo at Cavite City), Joseph Catapia (Davao City, gayundin kina Metro Manila Revenue District Officers Vicente ‘Boy’ Gamad (Pasig City), Bethsheba Bautista (San Juan City), Joe Luna (Quiapo, Manila), Arnold Galapia (QC South), Antonio ‘Jun’ Mangubat, Jr. (Paranaque City), Rufo Banario (Valenzuela City), Mike Morada (Caloocan City), Saripoden Bantog (Marikina City) at iba pa para sa isang ‘massive tax mapping campaign’ upang hikayatin ang tax paying public na maagang magsipagbayad ng buwis at huwag nang hintayin pa ang deadline sa Mayo 30 ngayong taon.
“The cost of the government’s socio-economic strategy against COVID-19 was around P1.49 trillion. Mahalaga ang role ng BIR at BOC para magkaroon tayo ng karagdagang buwis na malilikom,” pahayag ni Secretary Sonny.
Ang pinakamalaking bulto ng koleksiyon ng buwis sa BIR ay mula sa Large Taxpayers Service sa ilalim ng pamamahala ni LTS Assistant Commissioner Manuel Mapoy para sa 5,000 top corporations sa bansa, kabilang na ang conglomerates companies.
Ngayong taxable year 2020, ang BIR tax collection goal ay P2.617 trillion, mataas ng 13.13 percent sa 2019 tax goal; samantalang ang BOC ay P748.2 blyon o mas mataas ng 12.99 percent kumpara sa nakaraang fiscal year..
Para naman sa fiscal year 2021, ang tax collection goal ng BIR ay P2.942 trillion, mataas ng 12.42 percent, ang BOC ay P826.2 bilyon, mataas ng 10.43 percent), at sa taxable year 2022, ang BIR ay may P3.312 trillion collection goal, mas mataas ng 12.42 percent), at BOC, P914.8 bilyon o mataas ng 10.17 percent.
Para sa komento o opinion, mag-text lamang po sa 09293652344/09266481092 o mag-email sa [email protected].