SA IKALAWANG pagkakataon ay muling binalasa ni Bureau of Internal Revenue (BIR) Commissioner Romeo Lumagui, Jr. ang mga key official ng ahensiya upang higit na mapag-ibayo ang tax services sa bansa at mapataas ang tax collections.
Itinalaga ni Commissioner Lumagui sina Raquel Cristina Salazar bilang BIR Assistant Commisioner for Information Systems, Project Management Service; Nelly Ibo, Assistant Commissioner for Administrative Service; Marissa Uy, Large Taxpayers Service Regular Group; Rosario Padilla, Project Management and Implementation Service; Joe Soriano, Large Taxpayers Service Program and Compliance Group.
Lorna Binarao, Regiinal Director, Tuguegarao City; Wilmer Dekit, assistant director, CaBaMiRo; Rodel Buenaobra, assistant director, Calasiao, Pangasinan; at Emilia Combes, assistat director, Cordillera Autonimous Region.
Inatasan sila ni Commissioner Lumagui na mag-reoort sa kanilang bagong destinasyon sa lalong madaljng panahon.
oOo
Tila sinusundan ni Presidente Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr.ang yapak ng kanyang yumaong amang si Ferdinand Marcos, Sr. na siyang gabay niya sa tuloy-tuloy na pagsulong ng ng bansa kung ang pagbabatayan ay ang infrastructure trust nito sa pag-generate ng trabaho at paglago ng ekonomiya.
Ito, ayon kay National economic and Development Authority (NEDA) Secretary Arsenio Balisacan, ay kasunod ng mga nakalinyang 3,700 infrastructure projects na nilaanan ng budget na P15 trilyon para sa susunod na limang taon, ang tinatayang 98 iba pang proyekto na nagkakahalaga ng P3 trilyon bilang potential Public-Private Partnership (PPP) ventures.
Sinabi ni Balisacan na itinutulak ng Marcos administration ang PPP sa kadahilanang sinusuportahan nito ang paglikha ng maraming trabaho na isang malaking investment na idudulot ng potential Public Partnership sa bansa.
“The private sector should definitely play a bigger role in pursuing the administration’s infrastructure projects, given our limited fiscal space and high inflation,” ayon naman kay Infrawatch PH convenor Terry Ridon.
(Para sa komento, mag-email sa [email protected] o tumawag sa 09266481092.)