BIR NAHIGITAN ANG JAN-FEB COLLECTION TARGET

NALAMPASAN ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ang collection target nito sa unang dalawang buwan ng taon.

Ayon sa BIR, nakakolekta ito ng P446.423 billion noong Enero hanggang Pebrero, mas mataas ng 24.32% o P87.335 billion kumpara sa koleksiyon nito sa kaparehong panahon noong nakaraang taon.

Kumpara sa target na P445.535 billion para sa period, nahigitan ng ahensiya ang target nito ng mahigit 24%.

Noong Pebrero lamang, ang BIR ay nakakolekta ng P138 billion, mas mataas ng  6.65%. sa P129.4 billion na nakolekta noong nakaraang taon.

Para sa buong taon, ang revenue target ng BIR ay P3.055 trillion, mas mataas ng 21.38% o P538.182 billion kumpara sa actual collections nito na mahigit P2.5 trillion noong 2023.

“With the continuing intensification of the bureau’s tax enforcement activities, specifically on the campaign against sellers and buyers of fake receipts, and with our concerted efforts to deliver excellent service to taxpayers through our digitalization projects and ISO Certification of the BIR’s frontline processes, we hope to encourage and increase voluntary compliance from our taxpayers”,  sabi ni BIR Commissioner Romeo Lumagui Jr.