BIR PLANNING SESSION IDINAOS SA SUBIC

Erick Balane Finance Insider

ISANG two-day planning session ng mga opisyal ng Bureau of Internal Revenue, sa pangunguna ni BIR Commissioner Romeo Lumagui, Jr., ang idinaos sa Subic noong Enero 11-12, 2024 para talakayin ang mga paraan sa kung paano mas mapatataas ang koleksiyon sa buwis, mapaunlad ang negosyo at mapalakas ang ekonomiya ng bansa sa ilalim ng liderato ni Pangulong Ferdinand “Bongbing” Marcos,  Jr.

Kabilang sa  agenda ang mga sumusunod:

  • To review the performance of the BIR in 2023 and identify the strengths, weakneses, opportunities and threaths of the agency;
  • To formulate the stratigic goals, objectives, and action plans of the BIR for 2024 and beyond;
  • To discuss the challenges and issues faced by the BIR in implementing the tax reform laws and the digital transformation initiatives; at
  • To enhance the skills and competebies of the BIR personnel and foster a culture of excellence, integrity and service.

Ang iba pang mga opisyal ng Kawanihan na sinasabing dumalo sa planning session ay sina Deputy Commissioners Maridur Rosario (Operations Group), Marissa Cabreros (Legal Group) BIR Assistant Commissioner for Large Taxpayers Jethro Sabariaga at ang revenue regional directors at revenue district officers sa buong bansa.

Ang bagong tax collection goal para sa 2024 ay P3.406 trilyon na mas mataas ng 15.44% kaysa sa target na P2.949 trilyon noong 2023. Ang pagtaas na ito ay dahil sa mga bago at pinalawak na tax measures na ipatutupad sa ilalim ng TRAIN Law gaya ng Value Added Tax sa digital service providers, excise taxes sa ilang produkto at iba pa.

Ang mga gagawing paraan para makuha ang bagong tax goal ay ang mga sumusunod:

  • Pagpapalakas ng digitalization at authomation ng mga proseso para mapabilis at mapadali ang tax compliance at collection;
  • Pagtutok sa mga large taxpayer at mga non-compliant taxpayer na may malaking potensiyal na mag-ambag sa koleksyon;
  • Pagpapatupad ng mga programa at kampanya para sa tax education, awareness at enforcement; at
  • Ang pagsasagawa ng mga audit investigation sa mga tax evader at smuggler.

Plano ring  talakayin ang batas ukol sa Lateral Attrition Law o Republic Act 9335. Ito ay naglalayong magbigay ng sistema ng reward at sanction sa mga opisyal at empleyado ng BIR at Bureau of Customs na nakabatay ang kanilang performance sa koleksiyon.

Ang mga collector  na nabigong makuha ang kani-kanilang collection target  sa pamamagitan ng 7.5% ay tatanggalin sa serbisyo, habang ang mga collector na lalampas sa kanilang goal ay bibigyan ng incentives.

Maaaring may mga administrative o politikal na balakid kung kaya hindi ipinatutupad ang batas na ito sa matagal na panahon o maaari ring may ibang paraan o estratehiya na ginamit ang mga apektadong opisyal ng BIR at BOC para mapataas ang kanilang koleksiyon at hindi na sila mapanagot sa parusang dulot nito.

Ang desisyon kung kailan ipatutupad ang kontrobersiyang batas na ito ay nasa kapangyarihan ng komisyuner ng Kawanihan at Aduana, gayundin ng DOF chief.

Kung ipatutupad ang kontrobersiyal na batas na ito ay maraming tatamaan at saklaw ng Lateral Atrittion Law maging ang komisyonado ng BIR at BOC, ang mga deputy commissioners, assistant commissioners, regional directors, revenue district officers at iba pang opisyal at empleyado ng dalawang nabanggit na ahensiya.

Ang Revenue Performance Evaluation Board na binubuo ng mga kinatawan mula sa tanggapan ng DOF, DBM, NEDA at COA ang magre-review at magmo-monitor ng koleksiyon ng mga opisyal ng BIR-BOC. Habang ang Joint Congressional Oversigth Committee naman na binubuo ng mga kinatawan ng Senado at Kongresi ang siyang magbibigay ng oversigth at supervision sa pagpapatupad ng Lateral Attrition Law.