ISANG makabagong tax strategy roadmap ang gagamitin ng Bureau of Internal Revenue (BIR) para makamit ang tax collection goal nito ngayong taxable year makaraang dalawang sunod na maantala ang fling at payment sa buwis bunga ng COVID-19 pandemic.
Sa kanilang report kay BIR Commissioner Caesar ‘Billy’ Dulay, iprinisinta nina Quezon City BIR Regional Directors Albin Galanza (QC-A) at Romulo Aguila, Jr. (QC-B) ang bagong tax strategy para mapigilan ang posibleng shortfall sa tax collections: Ang paglulunsad ng massive tax campaign sa layuning ma-attain ang collection target at ma-sustain ang collection growth, ma-improve ang taxpayers satisfaction and compliance para ma-strengthen ang good govenance, ma-improve ang assistance and enforcement processes, mapalawig ang information technology system na may mataas na kalidad, integridad, competence, professionalism, satisfaction of human resource, management and resources.
Ang area of responsibility ni Director Galanza ay ang distrito ng Cubao ni Revenue District Officer Cora Balinas, QC-South (RDO Arnold Galapia), QC-North at Novaliches district office, samantalang area naman ni Director Aguila ang district offce ng City of Marikina, Mandaluyong City, San Juan City, Pasig City at Cainta/Taytay.
Ang orihinal na tax deadline ng BIR ay Abril 15 subalit inilagay sa community quarantine o lockdown ang bansa kaya na-move ito ng May 15 at nang ma-extend ay muling itinakda ang tax payment deadline sa June 15. Layunin ng tax strategy na makuha ang tax goal ngayong fiscal year at mahabol ang koleksiyon mula Marso hanggang Hunyo dahil sa epekto ng COVID-19.
Nakapagtala ng P7 bilyong koleksiyon sa buwis si Marikina City RDO Saripoden Bantog noong nakaraang taon at umaasang ngayong fiscal year ay makukuha nito ang assigned target na P7.6 bilyon. Bagama’t aligaga si RDO Bantog sa kasalukyang sitwasyon bunga ng pagkakatayo ng PUI-PUM testing center ng Marikina City government sa mismong harapan ng BIR office, nangako naman si Marikina Mayor Marcelino Teodoro na ipagagamit sa BIR ang isang malaking espasyo upang magsilbing filing center sa mismong Marikina Sports Center para hindi maging sagabal sa taxpaying public sa panahon ng bayaran ng buwis, ayon sa kanyang Administrative Chief na si Mike Tantay.
Maging si Director Galanza ay nagpamalas din ng magandang tax collection performance sa pamamagitan ng kanyang mga RDO na sina Arnold Galapia (QC-South), Cora Balingas (Cubao), at ang Novaliches at QC Nort District Office.
Batay sa medium-term program ng Development Budget Coordination Committee (DBCC), ang koleksiyon sa buwis ay ibinaba sa orihinal na goal at inatasan ang kawanihan na kumolekta ng P2.576 trillion sa taong ito, P2.914 trillion sa 2021 at kabuuang P3.287 trillion naman sa 2022.
“Mas mainam na mag-concentrate sa pagkolekta ng buwis ang mga tauhan at opisyal ng BIR, sa halip na masangkot sa katiwalian na maaaring magbigay ng malaking kahihiyan sa kanilang pamilya at maging dahilan ng pagsibak sa kanilang puwesto,” nakasaad sa memorandum order ni BIR Deputy Commissioner for Operations Arnel Guballa.
Para sa komento o opinion, mag-text lamang po sa 09266481092 o mag-email sa [email protected].
Comments are closed.