BIR TOP PERFORMERS

Erick Balane Finance Insider

ANG  mga Revenue Regional Office at Revenue District Office ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ay nagtataguyod ng internal revenue laws upang makamit ang kani-kanilang assigned goals ngayong fiscal year 2024.

Ang dating P1.65 trilyong collection goal ay itinaas sa P3.055 trilyon, na kanilang bubunuin mula buwan ng Enero hanggang sa pagtatapos ng buwan ng Disyembre ngayong taon.

Bukod sa P3.055 trilyon, obligado rin ang BIR na kolektahin ang halagang P599.2 bilyon bilang tax goal sa Value Added Tax (VAT), na 11% na mas mataas kumpara sa P5.38.1 bilyon noong 2023. Ang VAT ay quarterly na kinokolekta na mas malaki kung ihahambing sa nakokolektang income taxes.

Saklaw rin ng BIR na kolektahin ang halagang P162.2 bilyon para naman sa tinatawag na percentage taxes, bukod pa ang hiwalay na buwis na nagkakahalaga ng P229.2 bilyon bilang other taxes.

Ang BIR, ayon kay Commissioner Romeo Lumagui, Jr., ay nagsimula na sa kanilang national tax campaign noong Pebrero 8. 2024 na inilunsad sa Philippine International Conventiin Center (PICC) sa Pasay City. Layunin ng kampanya na bigyang-diin ang responsableng pagkolekta ng buwis mula sa small, medium at large taxpayers bilang bahagi ng ekonomikong pag-unlad ng bansa.

Bukod sa tax goal ng BIR, umaasa rin si Finance Secretary Ralph Recto na makakamit ng pamunuan ng Bureau of Customs (BOC)  ang iniatang sa kanilang tax goal.

Sina Metro Manila BIR Regjonal Directors Albino Galanza (East NCR), Edgar Tolentino (South NCR), Dante Tan (Makati City), Mahinardo ‘Bobby’ Mailig (Quezon City), Wrenolph Panganiban (Caloocan City) at Renato Molina (City of Manila) ay kabilang sa mga nakakuha ng kanilang tax goal – kasama  si Revenue Assistant Commissioner for Large Taxpayers Lawyer Jethro Sabariaga – na pawang nagpupursigi para ma-meet ang kanilang mga assigned  tax goal.

Ang mga top performer naman sa hanay ng RDOs (Revenue District Officers) ay ihahayag ng Management Committee sa sandaling lumabas ang final computations sa mga nakolektang buwis sa mga district level sa buong kapuluan bago matapos ang taong ito.

Sa maagang estadistika ng performance evaluations, nagpakita ng kanilang magandang tax collection performance ang mga Metro Manila RDO, kabilang ang Bulacan at Pampanga Revenue District Officers sa harap ng pagsisikap na matamo ang orihinal na  tax goal.

Makikita sa taunang pagtatala ng BIR kung sino-sino ang mga opisyal ng Kawanihan ng Rentas Internas, maging sa Kawanihan ng Aduana, ang mga performer at non-performer, kung saan ang  mga may poor performance records ay subject sa travel assignment orders bilang rewards at kaparusahan.

Naniniwala si Commissioner Lumagui na bago matapos ang taong 2024 ay mahihigitan ng BIR ang iniatang sa kanilang tax collection goals  dahil sa magandang kooperasyon ng mga taxpayer sa BIR, gayundin sa lumalakas na takbo ng ekonomiya sa bansa.

Una nang pinapurihan ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sina Secretary Recto at Commissioner Lumagui sa magndang tax collection performnce na ipinamamalas sa kasalukuyan ng BIR at Bureau of Customs (BOC).