BIRD FLU OUTBREAK SA 5 PANG LALAWIGAN

KALAT na sa malaking bahagi ng bansa ang pinangangambahang bird flu outbreak o ang H5N1 flu.

Ito ang ipinahayag ng Department of Agriculture (DA) kung saan tinukoy nito ang mga lugar na apektado ng virus na Nueva Ecija, Bataan, Tarlac, Sultan Kudarat, at Benguet.

Ayon sa DA, nauna nang naitala  ang bird flu outbreak sa ilang farm sa Bulacan, Pampanga, Laguna, at Camarines Sur.

Posible umanong nagmula ang nasabing virus sa mga migratory o resident wild birds sa lugar at sa ilegal na pagbiyahe ng mga apektadong ibon.

Nanawagan ang ahensiya na agad na i-report ang anumang pinaghihinalaang kaso ng bird flu sa kanilang lugar.

Giit ng DA, banta ang H5N1 avian influenza sa poultry industry at maging sa kalusugan ng tao. JEFF GALLOS