SO be it. Ang tinutukoy bang blind item ni Dianne Medina sa kanyang socmed ay ang beauty queen-actress na si Kylie Versoza?
Ganito ang lumabas na BI sa Fashion Pulis.
“Da who itong artista na nandura sa kapwa artista na wala naman sa script. Girl, respect please. Minsan lang ako status, girl, ‘wag ang pamilya ko!’
Ang mga komento ng netizen ay masyadong given kaya tukoy agad kung sino ang pinararatangan ng Kapuso actress.
Magpinsan sina Dianne at Maxine Medina na nasa cast ng ‘Los Bastardos.’
Ani ng netizen, ‘si M yan. Usap-usapan na nga sila sa production, eh. At si K ‘yung nag-spit na jowa naman ni J.’
Ang tinutukoy na M ay si Maxene at K ay si Kylie. At ang J means Jake Cuenca na jowa naman ni Kylie.
Dati raw magkaibigan ang dalawa. Katunayan ay batchmate sila isang beauty pageant kung saan si Maxene ang waging Miss Universe-Philippines.
Winner naman si Kylie ng Miss International-Philippines at naiuwi niya ang korona bilang Miss International 2016.
Ngayon ay parehong un-follow na raw sa socmed ang dalawang beauty queen-turned actress.
Sa ‘Los Bastardos’ ay patindi-tindi ang labanan nina Kylie at Maxine.
Ani ng netizens, pine-personal na raw ni Kylie ang kanyang character bilang si Dulce.
Totoong selos na raw ang nararamdaman niya kay Maxine dahil napunta na ang kanyang boyfriend dito at ang dami raw kissing scenes nina Maxine at Jake. “Kaya kahit wala sa script ay dinuraan niya si Maxine.
At ‘di man lang nag-sorry pagkatapos ng kanilang bangayan.
Napanood namin ang nasabing eksenang ‘yun, kaya lang ‘di na naming pinansin dahil nakatutok kami sa character ni Jean Saburit bilang si Senyora.
Halatang-halata kasi ang pagka-trying hard ng beteranang aktres sa kanyang pagkakontrabida. Aba, maging ang halakhak ay pilit na pilit, huh!!!
(Iginawad ng Sultanate of Sulu kuno) BARON GEISLER NAPEKE SA HONORARY TITLE
NASULAT naming ginawaran umano ng honorary title ang actor na si Baron Geisler ng Sultanate of Sulu & North Borneo na lumabas nu’ng Huwebes, Sept. 11.
Kinabukasan ay may lumabas namang balita na ang ‘Datu’ award ng Kapamilya actor ay isang peke.
Kumalat sa online ang official statement ng diplomatic representative ng Sultanate of Sulu & North Borneo nang i-post nila sa kanilang FB page ‘The Royal House of Sulu,’ na hindi lehitimo ang royal title na ibinigay sa actor dahil mula raw ito sa pretenders.
Ang nagkaloob umano ng titulo kay Baron ay “both commoners with no royal blood.”
Ayon sa representative ng Royal Family, ang nagbigay umano ng karangalan kay Baron ay ang Royal Imperial Lupah Sug Islamic United Kingdom of Sulu & North Borneo na hindi raw nire-recognize ng Philippine government as one of the claimants to the Sultanate of Sulu.
Ang ginagawaran lang daw ng titulo bilang ‘Datu’ o anumang royal title ay ‘yung may mga bloodline na nagtataguyod sa pamagat na iyon.
Samu’t saring opinion ang netizens sa fake honorary title ng actor.
“I feel sad for Baron, dapat ang mga ganyang scammers, hinuhuli!” Ang dami naman daw na mapagtitripan, bakit daw si Baron pa na nagta-try nang magpakabuti.
“If someone didn’t make an attempt to change, huhusgahan! If someone did, ganun parin. Grabe!!!”
Ang iba naman ay naawa sa actor.
“Naaawa ako sa kanya dahil he seems honored pa naman. Marami lang talagang manloloko ngayon. The truth is, our Sultanate of Sulu never grants royal titles, especially to non-Muslims. Either you were born with royal blood or nakapangasawa ka ng any royal families. I’m half Tausug.”
“Nakakaawa naman si Baron. Baka ma-depress dahil sa kahihiyan at bumalik sa dating gawi. Huwag naman sana.”
Lahat ay nagdarasal na sana raw ay huwag na lang seryosohin ng Kapamilya actor ang nasabing award.
“Charge it to experience,” ika nga.
Comments are closed.